Isa nanamang Liham na Hindi na naman mababasa ng Pinatutunguan

02 December 2008

Ayoko na,

Masyado na akong nabuburyong sa pagbabakasakali na ikaw ay dadaan o sisilip man lang kahit dalawang segundo lang. Ang unang segundo para makapagkunwari akong hindi pa kita napansin nuong papalapit ka pa lang, ang ikalawa para dumikit man lang sa isip ko na ikaw nga ang nadiyan at hindi isang mahabang guni-guni lamang, tulad ng madami kong ibang guni-guni. Ayoko na, ayoko nang hintayin ka pa, hindi na ako mauupo sa parehong pwesto para lang umasa na darating ka. Hindi na rin ako magdadalawang-isip umalis sa kinauupuan ko sa takot na baka sa pag-alis ko'y dumating ka at hindi ko masulit ang ginintuang pagkakataon. Ayoko na, kailangan ko nang umusad, inipit mo ako sa gitna ng gising at panaginip, pero hindi isang gising na panaginip kundi isang tulog na katotohanan.

Ayoko na, ayoko nang nanaginip sa gabi ng mga korning panaginip. Panaginip na nakakainis iwanan para sa tunay na mundo. Ayoko nang nakikita kang nakangiti sa aking tabi, nagkukwento ng masasaya at malulungkot sa ilalim ng itim na kurtinang sinabuyan ng mga mumunting ikaw, aking bituin, para lamang magising at bumungad sa akin ang malungkot na kisame, o tahimik na pader, o matigas na unan.

Gusto ko nang gumawa ng paraan, gawing tunay ang panaginip, o di kaya'y gisingin ang sarili sa katotohanan. O kaya sabay, gisingin ang sarili sa katotohanan na hindi magiging tunay ang panaginip kung manatili akong tulog, o gising pero di kumikilos. Kikilos ako, hindi para sa kung ano mang dahilan kundi para sa iyo, dahil ayokong hindi ako nagiging matapat sa'yo. Napakadungis ko sa mga sikretong tinatato naman sa balat, sikretong bukas para basahin, ayaw ko nang bihisan ang sarili huwag mo lang mabasa, ipababasa ko na, bahala ka na sa lahat ng pagkatapos.

Ayoko na, dahil gusto ko, oo madami akong gusto, pero may mas gusto ako, pinaka gusto kumbaga, at tingin ko, kandidato ka para duon.

22 things said:

_Stine Olivar said...

nakana.......


bituin..

_Stine Olivar said...

kandidato,, waw, parang eleksyon, :)) hahah dyok lang, hihihih, pis:))
ot: buti na lang may edit sa multiply,, napidnot ko yung smiley

Ernest Angeles said...

yapperbituin.

Ernest Angeles said...

daya...

Therese Revilloza said...

aba..... emotionalness!!!

Othan Sequeira said...

EMO.

Marianne Liwanag said...

Hahaha!! Masasapak mo ako sa reaksiyon kong 'to. Emo!
(full comment next time,.., kasabay ng pagbalik ko dun sa isa mo pang akda, hindi pa lukot, asa clearbuk na hindi ko malocate, pero asa workspace ko lang un.)

_Stine Olivar said...

hahaha, di ka din niya masasapak sa reaksyon mong yan :)) =)) medyo no reaction siya (konting patagilid na titig lang) pag pinapatalbog ni jammin yung tiyan niya sabay sabing "EMOWW!!!" (yapperbot, with the W :D)

_Stine Olivar said...

Isa nanamang Liham na Hindi na naman mababasa ng Pinatutunguan <-- :)) =))

ako magbabantay ng ballot box, o kartero na lang, mapapadala yan.. :)) :>

joke lang :))

Marianne Liwanag said...

Ang bangag mo Tipsy/Tinek/Christine/Tipsy Toe/Tin! Bangag! KIta na lang pag malapit na lantern festival.

Ernest Angeles said...

ANG LAKAAAAS MOOO!!! (oh well, papel, life loves me after all.)

Ernest Angeles said...

Emotional ba? steady lang naman a

Ernest Angeles said...

Kalbo.

Ernest Angeles said...

Christmas gift ko sa'yo hindi kita sasapakin.

Ernest Angeles said...

Hmmm... Lanterns... Lights... Cool...

_Stine Olivar said...

pahaybladin mo na si ernest, kahit naman pala anong gawin mo, di ka sasapakin e. pakagat mo sa buwaya o kahit dogi na lang, dobberman :D

_Stine Olivar said...

labo,, :)) di ba mabuhay ang mga kalbo sayo @-)

_Stine Olivar said...

noperbangag!

yapperbanga!! hahahahah

noperbunganga!!!

yapperbunga!! hhahahaha


:D:D:D

malapit na lantern parade,, :D:D:D sama ka sa caroling? :D

_Stine Olivar said...

waw papel, food mo

Ernest Angeles said...

ang lakas mo talaga,

Ernest Angeles said...

honga, kalbo, emo, parang magkatunog e

_Stine Olivar said...

kalboH
emoH

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger