Tutubi Saranggola

23 December 2008

(pasensya na kay Ser Jun sa paghiram ko ng ideya nyang tutubi mula sa nobela nyang Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe)

Gusto ko lumipad. Kapag nag-iisa ako sa kwarto ko, nakatanga sa isang sulok, nakatingala sa kisame't nangangarap madalas kong iniisip na masarap lumipad. Parang tutubi, bahala na silang hulihin ako, basta ako lilipad, tatanghod sa mga damo, lilipad ulit. Walang lupa na kailangan itulak para lang makakilos, at ang tanging limitasyon lang ay ang kakayahan mo.

Minsan naman ayoko masyado lumipad, gusto ko lang maging mataas, magaling, tinitingala. Siguro nga kulang lang ako sa pansin, basta gusto ko para akong saranggola, nakatali parin sa lupa. Kumikilos lang sa hanggang sa kayang abutin ng pisi, pero sikat, tinitingala.

Teka, ayoko na tapusin 'tong blog na ito, lumilipad ang isip ko.

4 things said:

_Stine Olivar said...

ang ganda ng putol,, naha-high na ko sa mga sinasabi mo, nadadala na ko, tapos parang biglang nagcommercial..

pero ending na pala

hehehehe

Ernest Angeles said...

para akong naka drugs ngayon, para akong bangag, kung ano ano naiisip ko,

ayoko pakinggan ang mga nadidinig kong sinasabi ng kaluluwa ko,
nakakatakot ang mga posibilidad ng sarili kong mga nais.

_Stine Olivar said...

kaka-~__~ naman sinasabi mo,, parang nakakatakot na ewan,

may internet na kayo?

Ernest Angeles said...

nasa labas ako nag nenet... ewan ko, ang wirdo ko ngayon

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger