Hirap mo namang Tsempuhang mag-isa

18 January 2009

(title mula sa isang linya sa ODID)

Nariyan ka, nandito ako, wala sanang problema kung wala din sila, kaso nariyan sila.

Ang hirap mo namang tsempuhang mag-isa.

Darating ka't makikihati sa kanilang tawanan, ang magagawa ko lang ay pagmasdan ka at magkunwaring okey lang sa akin kahit na nandyan pa sila at di kita makausap mag-isa.

Sana naman mapansin mo na nabuburyong ako, nalulungkot ako, naiinis ako sa sarili ko na hindi ko masabi sa'yo kasi ayoko sabihin sa'yo habang di sinasadyang nasasabi din sa kanila. Hindi naman sa nahihiya ako sa nararamdaman ko, nahihiya ako sa mga iniisip kong baka nararamdaman mo, o mas tama bang sabihing hindi mo nararamdaman?

Nagawa ko na pala dati yun, yung tayong dalawa lang, yung kwentuhang walang point, medyo seryoso, medyo hinde, medyo ranting, medyo dramatic, sabi ko romantic, sabi mo "EeeeW", haha. Nakakatuwa naman, yun na yata ang paborito kong araw, este, gabi pala.

Hindi na yata mauulit ang ganoong gabi, sana kahit hindi gabi, pinakamatagal na kitang na solo ang tatlumpung segundo kapag may araw, tapos umalis ka din. Sayang, iba pa man din ang tama ng araw sa'yo noon, parang tumaas ang albedo mo, bigla ka naging reflective, glowing, basta, ang ganda mo talaga.

Putsa, hindi na ako maninigarilyo pag nandyan ka, matsempuhan lang kita mag-isa. Pero masisisi mo ba ako kung magsisindi ako? Kinakabahan ako ng grabe, pangtanggal ng tensyon kumbaga, nanginginig nga ang kamay ko sa lighter, at bigla bigla na lang nagkakaroon ng pawis na wala naman dun kanina.

Hirap mo naman tsempuhang mag-isa.

14 things said:

Therese Revilloza said...

sori na nandun kami ha!!!!
hehehe....

_Stine Olivar said...

lolxyz,, hahahahahaha

narinig ko yung boses mo sa tenga ko! hahahaha


ulitin ko yung plurk ko,, tyempo tyempo,, edi i-set, hahahaha,, joke

hahahaha :))

Ernest Angeles said...

Putang ina nakakahiya, (putang ina may hiya ako...)

Ernest Angeles said...

(insert word)

_Stine Olivar said...

Hahaha. :D

_Stine Olivar said...

Lumayas kayo!

yan ba ang word mo?

=))

Ernest Angeles said...

hinde, LAYAS lang

_Stine Olivar said...

ay mali...

dapat shu! shu! para sosyal, parang hayop

Matt Tuazon said...

Haaayyy nako... Ernest. Ewan ko kung saan mo hinuhugot ang mga pinagsususulat mo.

hahahahha...

Haaayyy nako na lang talaga...

Kumusta ka na ba?

Ernest Angeles said...

Ang galing ko ba masyado magsulat?
Ang pagsusulat ay hindi hinuhugot, sinasalo na lang pag sinusuka mo na.

kamusta? uh... Medyo magulo ngayon, problematic, long story, madaming factors, hindi basta basta naeexplain.

_Stine Olivar said...

epal: magkaibang hugot yata pinag uusapan niyo O O....@ @..











problematic, > kumain ka na lang ng batong malambot.

Ernest Angeles said...

please explain... hindi ko maisip kung anong hugot ang sinasabi nya na iba pa sa sinasabi ko...

_Stine Olivar said...

ah, eh.. baka mali din ako.. yata lang naman..
yung hugot na sinasabi niya e yung pinaghuhugutan SA pagsusulat
yung hugot yata na sinasabi mo ay ang paghuhugot NG pagsusulat

Ernest Angeles said...

wala akong alam na paghuhugot ng pagsusulat, hindi naman hinuhugot yun, yung mga pinaghuhugutan (ayoko talaga nung salitang 'hugot' dahil hindi akma sa pamamaraan pagsusulat ko) sa pagsusulat ay di mo din huhugutan talaga, parang lumalabas na napakaconcious nung pamimili sa 'paghugot', hindi naman ganun e, kadalasan gagawin mo na lang pag nandyan na, walang umeepektong summoning of inspiration at walang inspiration na pure parin pagkatapos,

sa akin ang pagsusulat ay hindi as dramatized as advertised, darating, mawawala, malalaman mong pangit yung dumating, aayusin mo, nagsusulat ako para ang milyon milyong kwento sa isip ko ay mapaghalo-halo ko sa iilang daang kwento lang, na mas maganda basahin.

Sa lagay naman ng sanaysay ko na 'to, walang pinagkakaiba ang dahilan ng inspirasyon sa naging dahilan ng pagsisimulang isulat.

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger