Makasa-Atin

21 June 2009

1
And damuhan sa umaga
Ay hindi naiiba
sa ating mga matang basa ng mga luha
Isang madaling araw sa nakaraan.

2
Ako ay hubad tulad ni Oble,
hubad, walang ni ano mang bahid
Ng Pagkahuwad
sa iyong mata.

3
Sama-sama tayong mag-isa
sama-sama tayong mag-isa
ulit-ulitin mo ulit,
ulit-ulitin mo ulit,

4
Sundan mo ang ilaw sa UP pag Gabi
Hanggang sa makita mo
ang sarili mong anino hinahabol ang likuran mo.

5
Nalulunod sa usok ng sariling sigarilyo
Ang estyudanteng nakaupo sa waiting shed,
Naghihintay.

2 things said:

_Stine Olivar said...

kul, sa jeepster waahhahaha

Ernest Angeles said...

Yapperjeepster!

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger