Hindi ko alam, pero tingin ko ay paraan mo iyan, ang pag-iisip na may ibang tao sa loob ng isipan mo, ibang nag-iisip bukod sa sarili mo, para ilayo ang sarili mo, para ipagtanggol ang sarili mo, para umiwas masaktan. O sa kaso sigurong ito, masaktan pa ng higit sa sakit na dinaranass mo na. Hindi sa pinabababa ko ang halaga ng isa mong katauhan, alam mo namang ikaw din iyan, kilala mo si'ya, sabay kayong lumaki, at pag nasasaktan ka ay s'ya ang umiiyak, iba naman ang tatawa, ang sisigaw, ang magagalit para sa iyo, may mga iba. Pero ikaw lahat sila, hindi sila mga anino o pekeng tao na inimbento mo, dahil hindi naman yata posibleng maimbento ng isang tao ang sarili nya, at sa kaso mo paulit-ulit pa.
Patawad sa pagdag-dag ko sa dahilan ng kalungkutan mo, pero ang mga bagay kapag masyado nating iniisip ay nakakalungkot lang ang ending parati, kapag masyado mo iniisip ay laging may nawala, laging iba ang ngayon, dahil ganoon naman talaga dapat, iba ang ngayon, ako man ay nahihirapang tanggapin iyon. Hindi ko sinasabing hindi mo alam ang mga ito, pero baka lang naman sa dami ng salitang bibitawan ko ay may isa man lang na makapag sabi ng tama.
Hindi ko alam kung bakit gusto ko sabihin sa iyo ang mga ito, siguro dahil nadadama ko pa rin ang lungkot, ang paghahanap, ang inis at irita mo sa mga nangyari, at sa hindi nangyari. Alam kong ayaw mo ng tali sa nakaraan, pero ang tali ay nariyan pa rin, hindi nawawala ang mga bagay dahil lang hindi na tayo naniniwala dito.
Nawalan ka ba ng paniniwala? Paniniwala sa mga pangalang tinatawag sa sama-samang bagay tulad ng kakwentuhan, kalokohan, tawanan, bigayan ng payo, pinagsamahan at iba pa. Paniniwala na pag-dumaan ka ay nandun din ako para sa'yo, tulad ng pagdaan mo para sa akin, o sa amin.
Alam mo ang pangunahing pinagkaiba natin? Ako ay mahilig sa mga pangalan, mga bansag, mga depinisyon, ikaw ay sa pagkakaroon ng madaming depinisyon ng iisang bagay. Ako sa mga salitang habambuhay, palagi, lahat, Ikaw sa kawalan ng bagay na hindi magbabago.
Ititigil ko na nga ang panghuhula sa kung ano ang pinaniniwalaan mo, basta naniniwala akong natatakot ka lang sa katapusan ng mga bagay na nagugustuhan mong nariyan. kahit sino naman e, iba lang ang pagdadala mo sa takot. Ngayon, ako man ay natatakot, natatakot akong tinatakot kita, natatakot ako na maging dahilan para matakot ka pa lalo sa mga bagay na kinakatakutan mo.
Eto nanaman ako't ginagawang importante ang sarili ko.
Huwag kang makinig sa sarili mo, hindi pa tapos ang mundo, at hindi ka pa baliw. Yaang kapit mo sa katotohanan ang dahilan kaya mo naiisip ang mga iyan, isang pag aanalisa ng mundo, ng mga kaganapan, ng mga tao sa paligid ang nagbibigay sa'yo ng ilusyong nababaliw ka na. Pero matatawa ka dahil alam mong hindi ka pa nababaliw, dahil totoo naman ang nakikita mo, yun nga lang, duon ka nakatutok sa malaking wrecking ball na papunta sa'yo at hindi sa maliit na butas sa ilalim na pede mong patihulugan para di ka tamaan.
Hindi ko alam kung may nasabi akong matino, pero may nasabi ako, yuon ang importante, kaya ikaw, magsasabi ka, dahil kung di mo makita ay ituturo ko sa'yo.
3 things said:
ot: Ano yung wrecking ball?
at naysu, ang dami mong payo sa kanya, :D
(wrecking ball, yung malaking bola na bakal na nakasabit sa crane tapos pinanghahambalos sa building pag nagdedemolish)
o nga e,
AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH, salamat sa impowt, wahahaha
Post a Comment