27 July 2009
Ito ang kwento ng gabi,
Sa isang sari-sari store d'yan sa tabi-tabi.
Nagsimula tayo ng marami,
Ikaw ay umasa na kumpleto hanggang sa huli.
Hanggang sa dumami nga at dumami pa,
Dumami ng dumami hanggang sa dumi na nga ay kasali na.
Dahan-dahan kang lumuha,
Dahan-dahan kang nawala,
Pero di ko napuna, andyan ka pa rin,
Sa tindahan,
Ako naman ay nasa palaruan.
Bumalik ako, bumalik ako sa'yo
Pero ang inabutan ko'y
Isang nilalamig na pusa sa ilalim ng bangko,
________________________________________________________
Iyo naman ang kwento ng umaga.
7 things said:
tindahaaan ni aling nenaaa, parang isang kwentong pampelikulaaa-ha, mura na at sari sari pa ang itinitinda pero ang tanging nais ko ay di mabibili ng pera, wahahahahaha =))
aahaha, sabi nila, ang time ay linear.. siguro ang notion ng mga tao sa pagkalinear ng time ay parang x coordinate,, pa-horizontal, wahahah, past, now, future,,. pero gusto kong masanay sa notion ng time na hindi parallel sa coordinate,, gusto ko pa-y,,, :)) pataas,, puro ngayon lang, wahaha, pero parang makapal, wahahahahhahaa =)) wala lang :D
Hmmm, pero hindi ka naman ganun mabuhay, lagi pa ring may kahapon na dahilan ng ngayon, at bukas na magiging resulta ng ngayon, ganun naman talaga.
Maganda din yung nasa Y tayo kasi ibig sabihin sinulit mo yung buhay mo, kasi di tulas ng coordinate plane e hindi hanggang infinity ang x. Lagi namang may rate, tumatakbo ka pa rin sa x, kahit sabihin mo pang tinatakbo mo din yung Y.
ayos yan, a... may value ang y, pero umaandar pa rin sa x,, (waw, sosyal, calculus na ata ito)
nakakaimagine ako ng puno (y-axis) na nakasakay sa tumatakbong elf (x-axis)
ayos, a.
bagong perspective.
Hmmm.. I would like to remain in the Z-coordinate... papakita ko sa iyo Tinek un program ko pag nagkita tayo na bukas ang laptop ko.
Z does not exist without the X, the Y, and other multiple intelligence which makes something adept to the criteria of "universe", whether it has a name, or none.
Teka, lumayo na tayo sa sinulat ni Ernest.....
ahaha :D... di abot ng math skills ko ang z O___O...
good metaphor,
pero oo nga, nagiging alpabeto na to, nakakatatlong letra na tayo, may 25 pa, sige, ubusin na natin
ROFLOLX AHAHAHHAHA
Post a Comment