Kay Malungkutin

26 July 2009

Naiinis ako,

Naiinis ako hindi dahil sa may mali kang ginawa, o dahil sa may napuna akong maling naganap, o dahil sa gusto ko lang mainis; ayoko sana mainis, kaso naiinis na nga ako, ano na magagawa ko, pero hindi ako sa'yo naiinis, naiinis ako sa ugali nangyayari sa'yo, sa ginagawa mo sa sarili mo.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin, pakiramdam ko ay may dapat akong gawin, dapat kitang tulungan, payuhan, awayin na din siguro. Gusto kitang tulungan, pero paano naman kung ikaw lang ang may alam ng pinoproblema mo?

Hindi ko nga siguro maiintindihan ang hinahanap mo sa pagsasama, hindi ko nga siguro naiintindihan kung ano ang problema, hindi ako ikaw at hindi ko nakikita ang mundo sa mga mata mo, o inaalisa ito gamit ang isip mo. Ang meron ako ay ang mata ko lang at ang isip ko lang, pero meron din akong tainga, meron din akong bibig, pedeng makinig, at madalas nga'y kahit di mo naman hingin, o di mo man gustuhin, nagpapayo, nagtatanong, nagbibigay ng dahilan, depinsiyon, at paminsan-minsang solusyon.

Nakukulangan ka ba sa akin, sa kaniya, sa atin, sa pagsasama? Nawawala ba? Hinahanap mo ba? Hindi mo makita? Ayaw ba bumalik? Hindi mo alam kung paano pababalikin? Para kang nagyoyo na bumuhol yung pisi, maibabato mo, pero hindi gugulong pabalik.

Sabi ko magsabi ka, kasi pareho tayong hindi marunong. Hindi ka marunong mamroblema at di naman ako marunong kumilala ng problema ng iba, ilan beses ko ba dapat sabihing hindi ka nag-iisa?

Kaibigan mo ako, hindi dahil sa dineklara nating magkaibigan tayo, kundi dahil gusto kitang tao, at mabait ka sa akin. Kaibigan mo ako kasi gusto ko kaibigan kita, at hindi kita pwede maging kaibigan ng hindi mo rin ako nagiging kaibigan sa proseso, kaya umayos ka, tumayo ka d'yan, tigilan natin tong kadramahang ito at pagusapan natin ng matino.

Tae, akala ko ako na yung malungkutin. Tara na.

5 things said:

_Stine Olivar said...

Parang ang linaw ng pagkakasulat mo dito bot. O_O.

Ernest Angeles said...

pag nilabuan ko pa, baka di pa maintindihan

Marianne Liwanag said...

ako naguguluhan... ?? Pero wag niyo ko pansinin, ako lang yun. :)

Ernest Angeles said...

*inirapan si Marianne kasi ayaw nyang pansinin s'ya*

(p.s. yung irap na parang yung tinuro ni Ging na irap)

_Stine Olivar said...

^__^

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger