Nauubos nga Kaya?

11 November 2009

(oo, yan talaga ang title n'yan, hindi yan inagaw sa mga linya sa Katorse kahit na parang magkasing korni)

Paano kaya kung ang pagmamahal e nauubos. Yung tipo bang me stock ng pag-ibig sa puso mo, tapos kapag naubos na e wala na, di mo na kaya magmahal. Kahit anong pilit mo, di na kakagat ulit tulad ng dati.

Naisip ko lang naman kasi hindi ako sanay ng hindi ako inlab, taena komedya. Lagi akong inlab e, kung kanikanino, apaka bilis ko mainlab. May mga resurgence-resurgence pang nalalaman ang puso't damdamin ng bwakanang inang pakshet, tipo bang maiinlab pa ulit sa nainlaban na nya dati kahit hindi na naman sya inlab dun for quite some time. Inisip ko tuloy, sa dami ba ng nainlaban ko (taena, anong salita yan? nainlaban ampotah) e naubos na ba yung stock ko, di na kaya? Napamigay na lahat (kahit di nila lahat alam na nakakatanggap sila), ubos na, sa kabilang bahay na lang kayo mag trick or treat kasi di na kaya mamigay ng kendi ng mokong na to, 1 week old na pandesal na lang ang natitira, bonus na yung palamang ipis.

Inisip ko din, sakali ngang nauubos yung stock ng pag-ibig, parepareho kaya tayo ng dami ng pag-ibig? Baka merong mga sumisirit na sa puso nila yung pag-ibig, dyuskopoandame, tapos meron ding yung perslab nya na kaklasmeyt nyang tinuruan sya magtali ng sintas nung greyd tu lang ang kaya nyang maalayan ng pag-ibig, pagkatapos nun serial killer na s'ya. Halata naman kasing iba-iba tayo ng paraan ng paglustay sa pag-ibig na meron tayong naka stock, haypotetikali. Halimbawa nga ako, para akong bagitong bumberong perstaym humawak ng hose na sobrang lakas ng bugso ng tubig, edi kung sino-sino na nababasa, alang direksyon ampotah. Meron namang parang Kongresman, karamihan ng pork barrel e sa kanya lang. Papatayo lang s'ya isang put brids.

Tsaka, paano kay kinokompyut yun? Ibig ko sabihin, yung mga paraan ng pagpapakita ng pag-ibig may corresponding value ayon sa kung gaano kadaming pag-ibig ang kelangan i-alay. Siguro magastos yung magsimula ng bagong lab, kaya siguro ubos kaagad yung sa akin, bigay lang ako ng bigay e, walang maintenance.

Pero baka naman narereplenish, pede mag reload. Halimbawa nood ka ng mga pelikula ni John Lloyd e me sapat na bala ka na para mainlab ulit. O kaya may pace din ng pagreplenish, tapos depende ulit sa tao, ang jologs pero ang astig atdaseymtaym! Kelangan ko talaga malaman kung paano na rereplenish kung sakasakali, kasi kanina pinipilit kong mainlab ulit ayaw talaga, parang alam kong dapat naiinlab na ako, pero di sumusunod ang puso sa dinidikta ng isipan. Wala na daw kayang ibigay e, yata, di ko pa naman talaga nadidinig magsalita ang puso ko, bingi ako sa mga hiling ng damdamin, nakanatutsa, nakakadiring linya!

Pero syempre, haypotetikal lang nga, malay mo eklat ko lang to tapos di naman pala totoo, wala lang. Mali yung hula ko, tapos maya-maya naiinlab na ulit ako. Baka napapagod lang ang puso pero di nauubusan, naks, kanina pa ako bumabanat ng korning linya, ang korni-korni ko na, Walang wenta pa tong entry na to, halo-halong kagaguhan, kakornihan, kadramahan, malalim na linya, makekesong eklavu, nakakabanas na banat at jumbo blender na writing style pa ang gamit. Korni-korni ko talaga, ang wirdo lang kasi kapag hindi ka inlab.

41 things said:

gab(",) de leon said...

i'm all out of love, i'm so lost without youuu~

pwede nga, tsong. hahahaha

Ernest Angeles said...

O nga No! Maderpakingshet!

Joy Ann Malapit said...

i don't know.

Ernest Angeles said...

pero its fun to deal with the hypothetical di ba?

_Stine Olivar said...

Ahahah, di ko alam sa kung anong uring lab yan... pero siguro, sa pananaw ko, sa akin lang at hindi para sa lahat ng tao.... pwedeng hindi maubos ang pagmamahal ^___________________________^...

gab(",) de leon said...

malay mo tsong, 'di ka pa talaga naiinlab. baka wala pa yan. oo, naranasan ko na rin 'to. pero kung ikukumpara mo yung pagmamahal mo sa isang babae sa pagmamahalan ng mag-asawa, may binatbat kaya tayo?

i'd like to think that way, though. pero kung talagang na-inlab ka na, sabihan mo ako ah. kasi malamang, ako rin. hahaha. :)

_Stine Olivar said...

waw gabrielli hahah

Ernest Angeles said...

Paano yun, baka naman nagsasara yung Ventricles ng puso?

Ernest Angeles said...

Magandang punto, oo nga no, baka hindi pa nga ako naiinlab, pero kung di pa nga ako naiinlab... Pero ayoko naman isipin yon kasi, uhm, gusto ko naman isipin na nainlab talaga ako, pero sige, pag nalaman kong may ibang level pala talaga ng emosyon na tinatawag na lab na hindi ko pa na nararamdaman noon, o di ko pa narealize na nararamdaman ko pala, eh sasabihin ko kaagad sa'yo

gab(",) de leon said...

gusto ko ring isiping na-inlab na ako. pwede rin siguro na habang tumatanda kasi, tumataas din ang standards eh. kumbaga kung noon, mapabugso lang niya pagkabog ng dibdib mo, inlab ka na, ngayon maaaring 'di na ganun, baka kailangan nararamdaman mo ring tumatayo mga balahibo mo, nagpapawis o nanlalamig ka ng todo, o na-uutal sa salita, atbp. at maaaring pag tumagal, magbago pa yung pagtingin mo riyan.

naalala ko yung sternberg triangle, but wtf. agreed, then. ano kaya yun, meta-lab? supra-lab? hyper-lab? lablots? hahaha ang lab-o shet.

Ernest Angeles said...

nagsisimula na tayong magtangka gumawa ng depinisyon ng pagkainlab.
Naiinis na natatawa din ako sa sarili ko kapag medyo parang tingin ko naiinlab ako e, parang "taena mo ernest, lahat na lang".

Ganun pa rin naman, sa abot ng kaya kong pansining sintomas, ang depinisyon ko ng pagkainlab, hindi na lang talaga kumakagat, o baka naman kumakagat nga pero di ko na lang talaga nararamdaman at isipan ko na lang ang sumusunod pa se depinisyon pero iba na nag depinisyon ng damdamin ko. Hindi ko alam, madaming posibilidad.

gab(",) de leon said...

lahat? :)) wag naman, fafs.

pero yun din siguro yung masaya sa pagkakaron ng mga sintomas ng pagiging inlab diba, na hindi mo rin talaga alam? hindi ba't kaya exciting ma-inlab kasi hindi mo alam kung inlab ka na, o kung gusto mo lang ma-inlab, o tanga't gagu ka lang, hahaha.

so why bother define? maybe its power is in its being undefinable in human terms, and it's a royal pain. :P

gab(",) de leon said...

lahat? :)) wag naman, fafs.

pero yun din siguro yung masaya sa pagkakaron ng mga sintomas ng pagiging inlab diba, na hindi mo rin talaga alam? hindi ba't kaya exciting ma-inlab kasi hindi mo alam kung inlab ka na, o kung gusto mo lang ma-inlab, o tanga't gagu ka lang, hahaha.

so i realized, why bother define? maybe its power is in its being undefinable in human terms, even though it's a royal pain. :P

gab(",) de leon said...

pero bumubukas ulit, habang may buhay. HAHA.

Ernest Angeles said...

Siguro nga, nagiging korni pa lalo pag sinubukan natin gawan ng depinisyon at restriction at kung anu-ano pang syon-syon. Hintayin ko na lang masiraan na ako ng bait.

_Stine Olivar said...

ano?

isipin mo na lang na may anak ka na... ang daming magulang na hanggang mamatay sila, mahal pa rin nila ang anak nila.
ang daming mga tao na hanggang mamatay sila, mahal pa rin nila kung anu ano.. :))

Ernest Angeles said...

hmmm, baka walang maintenance expense, pero baka may registration fee.

Joy Ann Malapit said...

yapperfun. pero uh... i cannot relate. hahaha. papanoorin ko na lang kayo. :D

_Stine Olivar said...

ano? @_@

Ernest Angeles said...

*slams-head-on-wall* ayoko ipaliwanag, lang ya

gab(",) de leon said...

syon! syon the non-believer! :))

masaya siguro masiraan ng bait, no?

or malasing ng todo. pareho ba yun? hahaha

Ernest Angeles said...

Remember, alcohol is merely our excuse to act like we're crazy.

gab(",) de leon said...

Amen.

sige, paunahan na lang masiraan ng bait, ernie!

gab(",) de leon said...

she of the cyber-bf can't relate? oh come on now.

_Stine Olivar said...

Ang wirdo niyo pareho O_O... Nagkakaintindihan kayo @_@

gab(",) de leon said...

bakit para sakin mas weird na hindi niyo kami naiintindihan? =))

Joy Ann Malapit said...

oo nga e. ang galing.

Joy Ann Malapit said...

O_o

Ernest Angeles said...

ako rin e, nawiwirduhan akong di nila tayo maintindihan, pakiramdam ko may mali sa sentence construction ko =)) pero naintindihan mo naman, so I'm fine :))

Ernest Angeles said...

Sige! Pero pag nauna ako, sabihin mo naman sa akin na sira-ulo na ako. Pramis, pag nauna ka e sasabihin ko din sa'yo

gab(",) de leon said...

hanap ako ng theme song para sa mga baliw at sira-ulo. pag may kumanta na satin, alam na. :))

gab(",) de leon said...

hanap ako ng theme song para sa mga baliw at sira-ulo. pag may kumanta na satin, alam na. :))

gab(",) de leon said...

yapperfine, di pa tayo baliw. sila kaya? ahahaha :P

Ernest Angeles said...

di yata't nauna na sila, hahahahahahahahaha!

Ernest Angeles said...

tapos bawal kantahin hangga't hindi ka pa baliw.

Joy Ann Malapit said...

may suggestion ako! :D

Sino Ang Baliw - Kuh Ledesma

Ang natutuwang baliw yaman ay pinagyabang
Dahil ari niya raw ang araw pati ang buwan
May isang sa yaman ay salapi ang hinihigan
Ngunit ang gintong baul panay kasalanan ang laman

Sinasambit ng baliw awit na walang laman
Ulo mo'y maiiling tatawagin mong hangal
May isang hindi baliw, iba ang awit na alam
Buong araw kung magdasal, sinungaling rin naman

Sinong dakila
Sino ang tunay na baliw
Sinong mapalad
Sinong tumatawag ng habag
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos

Ang kanyang tanging suot ay sira-sirang damit
Na nakikiramay sa isip niyang punit-punit
May binatang ang gayak panay diyamante at hiyas
Ngunit oras maghubad kulay ahas ang balat

Sinong dakila
Sino ang tunay na baliw
Sinong mapalad
Sinong tumatawag ng habag
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos

Ooh.....Ahh.......

Sa kanyang kilos at galaw tayo ay naaaliw
Sa ating mga mata isa lamang siyang baliw
Ngunit kung tayo ay hahatulang sabay
Sa mata ng Maykapal, siya'y higit na banal

Sinong dakila
Sino ang tunay na baliw
Sinong mapalad
Sinong tumatawag ng habag
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos


Kaya't sino, sino, sino nga
Sino nga ba
Sino nga ba
Sino nga ba ang tunay na baliw

_Stine Olivar said...

baka nga kami.. @_@... di ko maintindihan yung pagmamahal na pinag uusapan niyo O_O

gab(",) de leon said...

uy, ginamit namin 'to para kay sisa nung third year. (baliw na baliw ako kay sisa nun, seryoso). HAHA.

i like :)

gab(",) de leon said...

hindi, kayo talaga. HAHA!

Ernest Angeles said...

Pedeeeee!

Okay, mula ngayon Gab, hindi pede kantahin yan hangga't hindi pa tayo nababaliw

gab(",) de leon said...

Agreed. ;)

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger