The *insert special occasion* Ultimate Playlist Challenge

18 February 2010

Okay, na-insipire ako nung plurk ni Othan na nanghihingi ng suggestions para sa mga kanta na pang JS Prom. Naisip ko lang, ang cool pala gumawa ng playlist para sa specific events. Halimbawa e yung Prom, o kaya Playlist kapag nakikiriot ka sa Quiapo gamit ang isang dos por dos. Kaya naisipan kong gumawa ng Challenge para sa sarili ko at para senyo na rin, gamit lamang ang lahat ng kanta na nasa Library ng media player ko ay gagawa ako ng playlist para sa matripan kong event. (note: yung dami ng kanta ay depende pa rin sa trip ko)


So Sampol muna: Playlist mo Kapag nahuhulog ka sa sobrang lalim na bangin.
1. Let's not Wrestle Mt. Heart Attack - Liars (dahil parang nahuhulog ka talaga sa bangin opening pa lang ng kantang to)
2. Slip - Kjwan (ang parang pinipreview na sa'yo yung nagbabagong apoy sa impyerno, tapos parang mamatay ka na talaga sa lyrics)
3. Sa Ilalim -Kjwan (wala lang kasi pun yung title)
4. Falling For You - Jem (para kunwari naiinlove ka lang kahit totoo lang mamatay ka na)
5. Everybody Thinks You're Crazy - Itchyworms (para mainis ka sa mundong ibabaw at gustuhin mo nang mamatay na lang talaga)

Limang kanta lang kasi malamang naman umabot ka na sa ending nung bangin n'yan.

Yay! Ang saya! Next time ulit!

2 things said:

gab(",) de leon said...

Gusto kong idagdag:

6. Wish You Were Here - Incubus, because no man is an island, kahit sa ilalim ng bangin. :)

Ernest Angeles said...

Holding Hands habang nahuhulog... aaaaaaw, nandamay ka pa! :))

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger