Paligsahan ng Paghingi ng Awa

18 March 2010

Sunod-sunod na patalastas ng mga politikong gusto maging pangulo, gumagambala sa kaunting oras sa bawat araw na nilalaan ko sa panonood ng TV. Si Villar na pinagpipilitan sa ating mahirap lang talaga s'ya nung bata pa s'ya kahit na sa private school s'ya nag-aral at tatlong palapag ang bahay nila sa Tondo. Si Noynoy na pinangangalandakan ang mga 'nagawa' ng mga magulang n'ya samantalang 'di naman n'ya pinapansin ang issue ng Hacienda Luisita at Mendiola Massacre. Si Erap na pinangangalandakang ipinagkait sa kanya ng administrasyong Arroyo ang kalahati ng termino n'ya samantalang si Arroyo din ang dahilan kaya malaya s'ya ngayon. Bakit ba itong mga nasa tuktok ng mga survey na ito e walang ginawa kundi magpaawa?


Tignan mo itong si Villar, "bumalik na lang sana ako sa pagiging negosyante." Bakit Manny, umalis ka ba? E ikaw ang numero unong halimbawa ng burukrat na kapitalista. Pinapatakbo ang bansa na parang isang kumpanya. Hindi ka ordinaryong kurakot, ikaw yung tipong ginagamit ang kapangyarihan hindi para sa pagkamkam ng yaman kundi para sa mga konting maniobra na makakalamang ka. Tulad na lang ng sa C5 road extension, ilihis ba ng konti ang kalsada para makinabang naman si Mr. Villar.
Yun paraan mo din ng pangangampanya, ikaw mismo alam mong nasira ang sure-win mo na sanang kandidaturya nung pumasok sa eksena itong si Noynoy. Kaya ngayon desperado kang gumagastos ng milyun-milyon para itaas ang sarili sa mga ratings, para ibida ang kawalan mo ng pera. Ang galing, napakapoetic ng kampanya mo, punung-puno ng irony.
New School TRAPO itong si Manny, TRAPO pa rin pero makabago na style, hindi na masyado halata. Pero ganun pa rin, puro pakitang gilas, puro kasinungalingan, puro para sa sarili ang mga ginagawa.

May nakakalimutan ba tayo tungkol kay Erap? Convicted, CONVICTED, ng graft & corruption. Nagnakaw na, alam na, makukulong na nga dapat kung may lakas ng loob lang yung Huwes. Mabubulok na nga sana sa Tanay kung di lang pinagbigyan ni Gloria (tanga rin kasi itong mamatay tao nating Presidente). Eto pa, para lang patunayan na insulto sa mga aso na tawaging dog-eat-dog ang pulitika ng Pilipinas, TUMAKBO PANG PRESIDENTE! Inaway pa yung mismong taong nagpalaya sa kanya "Dog does not bite the hand that feeds it" apparently, ibang uri ng animal itong hinayupak na to.
Nakalimutan na ba natin ang dahilan kung bakit pinalayas natin ng Malacañang itong hayup na ito in the first place? Sabi ko nuong may bali-balita pa lang na tatakbo itong si Erap, kapag pinayagan s'ya ng Comelec, wala na talaga tayong respeto sa sarili nating Saligang Batas.
Ngayon naman, kapag nanalo itong si Erap, wala na tayong respeto sa Judicial system nating humusga sa kanya ng guilty, wala pa tayong awa sa sarili nating bansa, sa sarili nating mga pamilya, sa ulam na hinahain natin sa mesa.

Sino ang pinaka Trapo mangandidato sa lahat ng kandidato ngayon? Si Noynoy! Yehey!
Sino ang nangunguna sa mga survey? Si Noynoy! Yehey!
Kelangan na nating tumigil sa pagboto sa mga Icon. Nanalo si Erap dahil Icon s'ya ng kahirapan, nanalo si Cory dahil Icon s'ya ng namatay na Trapong si Ninoy Aquino (na hindi naman sana magiging bayani kung di lang namatay, bwiset na Trapo yan), Icon s'ya ng lahat ng naghihirap sa Martial Law, at sa Rehimeng Marcos. Bakit nangunguna si Noynoy? May experience ba s'ya? Wala. May napatunayan na ba s'ya? Wala. May kaya ba s'yang gawin? Ewan ko, malay natin? Magbabakasakali nanaman ba tayo sa isang ICON na kaya lang naman pinatakbo ng partido n'ya e dahil namatay ang nanay n'ya at masosolid nila ang Sympathy Vote n'ya (na sinusubukan agawin ni Villar gamit ang 'namatay ang utol ko' line). PUTANG INA! Lahat na lang ng patalastas ng kalbong ito e pinangangalandakan n'ya kung gaano kagaling ang mga namatay n'yang magulang at kung gaano n'ya gusto ituloy ang mga nasimulan ng mga ito. SAMANTALANG kapag binabato mo na s'ya ng issue tungkol sa administrasyon ng nanay n'ya o sa mga pinapatay sa lupain nila ang sagot na n'ya e "Huwag n'yo pong ibato kay Senator Aquino ang mga nagawa o hindi nagawa ng mga kamag-anak n'ya, ibang tao po si Senator Aquino, s'ya po ang husgahan natin." Putang inang Ipokritong double standard yan. E wala ka ngang maihusga kay Noynoy, Wala naman s'yang meron e! Puro lang dada tungkol sa pagpapatigil ng korapsyon samantalang kaapu-apuhan s'ya ng mga panginoong may lupa na pinagkakait sa mga magsasaka ang lupang nasa batas naman na dapat na ay sa kanila. Korapsyon? Ayun ang korapsyon, na ang batas ay hindi nag-aaply sa pamilya ni Aquino dahil mas makapangyarihan sila.
Oo, suklam na suklam ako kay Aquino, dahil pinuputa n'ya sa atin ang mga namatay n'yang magulang bilang dahilan kaya s'ya ang dapat iboto. Sabagay, wala naman s'yang maipagmalaki na major bill na naipasa tulad ng running mate n'ya. Wala s'yang experience ng mga kalaban n'ya. Wala s'yang kahit ano, ang meron lang si Noynoy ay ang pamilya n'ya, ang nabubulok n'yang apelyido.

Oo na, medyo OA na ang inis ko kay Noynoy, pero para n'yo nang awa, huwag n'yo iboboto itong tatlong to ha? Please?

4 things said:

Jammin Tanioka said...

tingin ko pinaka basura parin si erap hahahahaha!
si Villar kase, ginamit nya yung c5 project para makinabang din yung negosyo niya. Pede din naman nagkataon lang na nakinabang siya (though walang maniniwala sa stand na 'to) gaya ng nakikinabang dun sa highway na yun. di parin made-deny na ginawa yun for public consumption and usage and i-deny man o hindi, parte parin ng publiko ang mga politiko kasi mamamayan parin sila ng Pilipinas. Nagkakatalo lang siguro sa conflict of interest kase nga obvious na makikinabang siya dun. Sige, dun siguro talaga siya pumalya.

Si noynoy naman wala naman siyang nagawang mali, wala din nagawang tama. kasi nga wala pa syang nagagawa. kung siya man ang mananalo at iboboto mo, ay pumupusta ka na may magagawa siya at di magiging corrupt. kumbaga tabula rasa siya. haha!

besides ang panganampanya ay pagpapabango naman talaga ng pangalan, pagpapasikat sa mga boboto, di naman talaga to tungkol sa katotohanan, parang sa UP lang yan hahahaha! siraan dito, pasikat dito, pero ang puno't dulo parin ay kung sino ang mas magaling magpabango ng pangalan o magparetain ng pangalan sa utak ng mga "bobo"-to ang mananalo. wahahahahaha!

Ernest Angeles said...

Hmm, you have pretty good points, some I don't agree with.

But what I really want to say is Taena, di ko inaasahang ikaw ang maseserious sa post na to ;))

Jammin Tanioka said...

isa lang ibig sabihin nyan.. ang dami kong libreng oras wahahahahah! pero ngayon wala na ulit =)) puta

Ernest Angeles said...

Sucks for you :)) Well no, not really.

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger