23 August 2007
Ang hot nung guy na yun, Yun o! Yung guy na naka black! Ayan wala na, sumakay na ng jeep, ‘di mo na nakita. Ang hot n’ya, kilala ko nay un e! But I don’t know know him, I kinda know him lang naman. Jammin yata ang name? Sabi nung friend ko na friend n’ya, si Kristine? Know mo? Yung classmate ko sa chem last last sem. I swear tibo yun, just by the look of her! Anyway ang hot nung friend n’ya, eye candy.
Pero before pa I know him I, like, know him na. Sa jeep yun e, Ikot bound I think? I can’t remember na, basta I remember getting on the jeep, and then, hm? No, hindi ko pa s’ya napapansin, hindi naman ako pala pansin sa jeep. So ayun nga, we were riding then biglang nalaglag yung hanky ko! No! Hindi ko s’ya sadya, nalaglag s’ya on her own! Talagang choice nung panyo kong malaglag. So anyway, pinulot s’ya ni Jammin, pero ‘di ko pa nga alam na Jammin ang name, oo. Pero for the purpose of discussion lang, so yun, pinulot n’ya yung panyo then binigay inabot n’ya sa akin! Like the old gallant ways of medieval times, ang cheesy nung moment na yun! Oo! Old-school ligaw stuff! Pero hindi naman n’ya ko nililigawan ha? Oo, naka store pa yung panyo sa room ko.
And then there’s one time papasok ako sa class ko, medyo maaga ako, mga eightish pa lang. Like the usual days, bababa ako sa may Palma Hall Annex and then I’d walk to CHE, yun ang iniisip ko lang, I haven’t even read my horoscope yet! Then right when my havaianas hits the ground I saw him na out of the corner of my eye sa waiting shed ng PHAN! He was holding a ciggie na may sindi na, he wore a black shirt that says something like “Smoking kills” or something complete with the symbol na ciggie na nasa loob ng circle na may slash, yun, so ironic and funny! Then when I looked at him he was smiling at me! I was like, oh my God, ang hot na n’ya and then he is super gentleman pa, and now he was so nice and cute pa! Wala na, boyfriend ko na s’ya! Ahahahahahaha! In my dreams!
Dito na muna tayo sa tea room, wag ka na umorder. So asan na tayo? Ayun si Jammin nga! And he and his friends laugh a lot, parang wala silang mga problem. No, okey lang kahit nag-smoke pa s’ya, he makes it look so macho. And his friends nga, there’s always around four or five of them pag nakikita ko. Para silang inseperable na ménage-a-trois, pero hindi threesome kasi nga four or five. And then, yung isang chubby girl with long na kulot, girl kaya n’ya yun? Parang kasi e, kainis.
6 things said:
bat ang galing mong magsalita ng ganito..
hahahahahahaha pero natawa uli ako aa. wahahahahahahahahah galing nung panyo a! nahulog mag isa..
pati mga banat a, ayos,,
magaling na pagbuo ng character gamit ang pananalita wahahahahah,,
:))
_____
_____
read
_____
_____
eto un, ang lakas magpaasa nitong parte na to, grrrrrr, anyways, buti nlng fiction! hahaha!
parang hindi lalaki ang nagsulat! hehe, kuhang-kuha ang perspective ng babae; parang babae ang nagsasalita.
ang gaying gaying.
Lianne and I had fun sa pagbabasa. Ginaya pa nga namin ung pagka-coño eh ng pananalita eh habang binabasa namin nang malakas.
"I didn't notice that the cover was so pangit"
remember?
hahaha. :P
(cencia late ang comments - .ppt ni Lianne eh) :P
lupit mo mag-coño talk, pre. teach me!
bading ka ba?hahahahahaha
its the skills... skills pare...
Post a Comment