Coñita Love (para sa mga in lab sa Coñita)

18 August 2007

Ito ay kanta dapat, Makilagyan ng tono. Tentatibo pa yung korus at baka pahabain ko pa.

 

Hindi ko alam kung bakit

Katulad ko na pangit

Maiinlab sa'yong isang coñita,

Hindi ko alam kung pa'no

Katulad ko na gago

Maiinlab sa'yo, e ubod ka ng ganda!

 

Wala naman akong perang

Pamana ni papa.

Ang bahay ko pa nga

Kahit semento me anay na.

 

Pasensya na, wala kaming hacienda

Pasensya na, hindi ako Atenista

Pasensya na, ang pera ko kulang-kulang

Hindi ko na binibilang dahil puro lang to barya.

 

Chorus:

Mahal kita coñita,

mahal kita kahit na,

wala akong mapagmamalaking mukha (Ako lang ay isang dukha)

6 things said:

_Stine Olivar said...

in lab ka sa coñita??!? hehehe, dyowk..

ito yung asa libro mo, tama ba,,

Roxanne Delay said...

gusto ko ito!

ang galing - galing!

marianne sibulo said...

natawa ako dun sa word..."tentatibo" haha straight tagalog ah...sino si conyita?

Ernest Angeles said...

hehehe, wag mo na alamin

Michael Vicente said...

naks naman. so songwriter ka na ngayon. nice. parang gusto ko tuloy gumawa ng kanta. haha. kaso hindi ako puwetic gaya mo eh.

Ernest Angeles said...

may kilala akong "puwetic" wahahahahahaha!!!

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger