Lumphobia

18 August 2007

Mayroong kalayaan

Hindi ko makamit

Hindi ko malasahan

Tunay na pait

Hindi ko namalayan

Ako ay may sakit

Ano ba itong luntiang

Mantsa sa'king damit.

 

Nilumot ng kahapon

Pakinabang na dala

Nilumot ng panahon

Anak sa putang-ina

Ayaw mong umahon

Sa putikan ng mga bakla

Luhang umaalon

Ayoko lang makutya.

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger