Gusto ko Mag-sulat

21 August 2007

Minsan gusto ko mag sulat.

Parang ngayon, pakiramdam ko demonyo ang pag susulat na pinipigilan ang ako gawin ang mga responsibildad kong iba. Kahit na alam kong mahihirapan ako sa mga exams ko pag di ako nag review at duda din naman ako kung matatapos ko ang mga nasimulan ko na na kwento pero wala na eh, talo na ako, panalo na ang demonyo.

Paano kung walang kwenta pala ako at isa lamang hamak na poseur sa mundo ng pag-susulat? Kung yung bagay na tingin ko magaling ako eh wala pala akong kwenta? Alam kong kokontra si Tine o si 633, pero malay n'yo? Edi durog ako.

Madalas pag nadarama kong gusto ko mag-sulat wala akong maisulat.

Find your material, nadirinig kong sinasabi ni Sir Jun.

Material ko? Yosi ba? Sumbat ba? Teenage rant? Hindi ko pa alam. Sana makita ko na.

 

Oops, hanggang dito na lang, may ibang napagtripan ang demonyo.

9 things said:

Jammin Tanioka said...

sa totoo lang, palagay ko kapag ayaw mong magsulat, dun mas may lalabas na isusulat sa yutak mo e, kasi kung iniisip mo kung anong isusulat kung minsan di ka mapalagay sa isinusulat mo. ayun lang, pero mukhang durog ka nga! hahahahahaha >:-)

_Stine Olivar said...

kung tingin mong wala kang kwenta...

hindi naman di ba pwedeng maging magaling agad,, hehehehe, kaya ka nga nag mps 170,, kaya nga may kors na mps..

di rin pwedeng resolution na.. may potensyal ka.. pero di big sabihin, magaling ka na..

kailangan ng bida ng conflict..

ang bida,, laging talo sa una..

hahahahahahahahahahahahahaaha


(pano kung talo sa huli e no... ,, anyway,, kaya ka nga lumalaban,, ang laban ang kwento, :D)

Ernest Angeles said...

laging talo sa una? ano to action movie? hehehehe FPJ!!!

Roxanne Delay said...

Buti alam mo.

Magaling ka Ernest.

Hindi ko ito sinasabi dahil sa kaibigan kita. Sinasabi ko ito dahil ito ang katotohanan. :P

Wag mo kasing isipin, hayaan mo na iyang lapis/bolpen mo ang maglakbay. :P

_Stine Olivar said...

waw 633... umaariba ka a..

---------------

oo nga eno.. sabi niya,, alam niyang kokontra si Tinê at 633,,

hahahaha,, akala niya lang yun,.,
dahil di ako kumukontraaaaa!! madurog ka angeles! madurog ka!! wahahahahaha!
ang papanget ng gawa mO!!!!!
PangET!!!!
wahahahahah!

biro lang tsong, wahahahahahahah!


anyways.. hindi ka lang naman nagsusulat para sa mga hypergaling., at para mapabilang sa mundo ng writing,,,

nagsusulat ka para sa mambabasa, sa mga normal na mambabasang tulad namin ^^V
e ang galing mo sa min e.. wala na.. sori na lang,,taeng makunat here...

Jammin Tanioka said...

wawwww! tsong ang tawag kay ernie parang joey marquez, lolz! hahahahaha, aba tine! may pa-"anyways" ka na din ah.. X= hahahahahaahhaahahhahaha!
btw, erni, its called self-confident (hahahaha, maling mali, tsk).. un ang kailangan!

_Stine Olivar said...

hahahahaha,

ganon ba si joey marquez :)) di ko alam e.. sabagay taga lungsod mo siya e.. (hahaha nilagyan ng implikeysyon...)

tawagan dati yung TSONG(go,,, hahaha.. ) nung gradeskul kami. hahaha..

anyways...

kay angles nga pala tong page na to.. :))

Ernest Angeles said...

o nga!
ikaw talaga ernest! wag kang epal, galeng galeng mo tas sasabihin mo wala kang kwenta? Ulol ka!
mamatay ka na!

_Stine Olivar said...

~_~

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger