Into the Blue (Ernest in Blue Eagle Land)

16 December 2007

Okey, sa mga mabilis mag-isip malamang nahulaan nyo na na nag punta ako ng Ateneo sa title pa lang. Bakit kanyo? Kasi gusto ko bilihan ng T-shirt ang kapatid ko na galing ateneo, kasi nung huling berdei nya ay T-shirt galing UP ang bigay ko (kahit taga FEU sya) gusto ko kasi magsimula ng koleksyon ng mga t-shirt ng iba't ibang College pero dahil mahirap maghanap ng kasya sa akin e sya na lang ang binibilhan ko. Kaya umabsent ako sa CWTS ko nitong sabado lang at pumunta ng Katipunan.

Pero hindi naman ako dumiretso sa Ateneo, nag lakbay muna ako sa teritoryo nila, ang Katipunan. Nakakatuwa, puro kapihan ang nakikita ko, bawat ata 20ft may kapihan at umaapaw ito sa mga Atenistang umiinom ng kendi (kapeng puro add-ons, may whipped cream, may gatas ng lahat ng uri ng mammal, may chocolate, at ang mortal sin, MALAMIG!!!). Wala namang nagkakape, wala namang mukhang nagpupuyat para nakahabol sa deadlines, wala namang mukhang isang kahig isang tuka (mukha nga silang walang kahig, tatlong libong tuka eh), lintek, wala kayong karapatan mag KAPE kung kendi ang iniinom nyo, tek, tas sasabihin nila sila ay coffee connosieurs, sinong niloko nyo oy!

Eniwey, as ay wes seying, ay meyd lakad na in da road which was soooooo mahirap bikos may drayber was nat hir kase devah? Nakasalubong ko pa nga si TANGCO!!! Kasama ang mga anak nya, kamukha talaga nya si Ser Jun, bakit ba lahat ng matatandang payatot na matalino magkakamukha? Tas nung napagod na talaga ako e tumanga ako sa isang kainan, hindi naman ako umorder kasi may baon akong 1.5 liter Coke at isang kahang yosi. Pero sa buong tambay ko dun e patingin tingin sa akin yung mga babae sa kabilang table, naiinlab yata sa akin (baka naman naubusan na sila ng yosi't manghihingi, buti pa nga sila may ashtray eh) o baka naman iniisip nilang hoholdapin ko sila. Heniwey, pagkatapos ko pagsawaan ang kanilang kakonyohan e tinignan ko yung menu, tangna, 38 pesos ang isang lata ng kok, samantalang 35 pesos lang ang bili ko dun sa 1.5 litro. Pero ninakaw ko na din yung menu at umalis na ako bago ako mahawa sa mga babae (heniwey magaganda naman sila, sitenta porsyento ng nang babaeng nakita ko sa Katipunan ay maganda, nobenta porsyento ng lalake ay mukhang Timang).

Pumasok na ako ng Ateneo at desididong hanapin ang lugar na parang Shopping center nila, wala naman yata pero yun nga talaga ang hinahanap ko sa loob. Surprisingly, madaming green sa Ateneo! Mga halaman, siguro may mga tatlong kotse din akong nakitang medyo green, tas isang blue green (siguro hindi makapag decide kung atenista o lasalista) pero wirdo pa din kase yung mga street sign nila ay kulay blue yung lahat ng dapat ay itim, ang bigat sa mata makakita ng kung hindi green e blue, tangna.

Ayun na nga asa Ateneo ako, tapos lakad lakad, hindi naman ako mukha masyadong dayuhan. gusto ko sana manigarilyo kaso hindi ko alam kung saan pwede, gusto ko sana hulaan sa pamamagitan ng pagtingin kung saan may mga upos ng yosi, kaso langya ala e, ang sipag naman maglinis ng mga tao dito. Kaya lakad na lang ako, hanggang sa makarating ako sa Belarmine feild kung saan may event pala sila at namimigay ng gifts sa disabled children. Eto pala yung parang Sunken nila, kase may tiangge din kaso karamihan ng stall sarado kase sabado (sosyal ang mag tent, sponsored ng Pepsi) dito ako nakakita ng mabibilhan ng T-shirt para sa kapatid ko pero hindi muna ako bumili kasi gusto ko pa makita kung may ibang mabibilhan. Kaya lakad pa ako, hanggang sa maabot ko na ang Ateneo Hayskul, naalala ko tuloy si Batocabs, dito sya nag hayskul e, naalala ko rin tuloy si Ria, wla naalala ko lang sya kase pareho silang econ at nililigawan sya ni Batocabs, sila na kaya? (Ria! kayo na ba? hehehe, biro lang) Dahil nakakaumay ang itsura ng rich kid (no offense kina Jammin at Ging at Ria, hindi na kayo kid eh) kaya bumalik na ako sa Belarmine feild. Napansin kong walang naglalakad dito, sandali pa lang naglalakad ay mag tatraysikel na (naglalakad lang yata hanggang makasakay) syempre madaming de kotse. Ayun, bumili na ako ng T-shirt para sa kapatid ko, XL kulay blue at nakasulat sa harap "ang sarap maging atenista" masarap nga siguro kais anak mayaman ka ULUUUUUL!!!

Ayun, edi natapos din ang misyon ko. Pauwi na ako ng hindi na ako makatiis at tinanong ko ang isang gwardya sa isang bilding kung saan pede manigarilyo kaso hindi ko maintindihan sinabi nya kaya minadali ko na lang makalabas kaagad para makapag yosi sa kalsada. Nagmamadali na talaga ako, nangangati na ako at nababahing eh, allergic talaga ako sa ganire...

15 things said:

paul gallegos said...

alam naman natin na malawak din ang lupain ng mga jesuits dyan... kaso puro grass na nagiging parking lot... sa parking lot nagyoyosi ang karamihan sa mga atenista... siyempre palihim...

Jammin Tanioka said...

woot! hahaha! 90% ng lalaking nakita mo mukhang timang! hahahahahahah! ayos! pogaball a =))
at aba! nagkita pa kayo ni tangco!!! ayos!!! ano mukhang geek ba mga anak nya? o normal naman? hawhawhawhaw
gaw bot!!!! yashalle naman ang susunod mong target!
=))

_Stine Olivar said...

hahahahahah ang galeng neto bot a.. mukang kating kati ka na sa hangin,, hahahahaha

si sir tangco! waH! ano itsura? mukang tangco jr ba anak nya? :)) (waw may asawa si sir! adik din kaya?)

-walang kahig, tatlong libong tuka <--lolx
-hahhahaha kapihan,, tae, anong bang meron sa kape, tae? :)) =))

_Stine Olivar said...

waw may palihim factor pa sila,,

ay sa yupe din pala nagkaron na rin..

mohico presbitero said...

ang kulet naman ng post.

"yun, bumili na ako ng T-shirt para sa kapatid ko, XL kulay blue at nakasulat sa harap "ang sarap maging atenista" masarap nga siguro kais anak mayaman ka ULUUUUUL!!!"
-------> Natawa ko sa ULUUUUUL!!! hahahhahahah XDDD

hehe 'yung kwento may kasamang yatang sama ng loob xP

ako rin gusto ko makapaglibot-libot sa Ateneo minsan, di pa ko nakakapunta run e

_Stine Olivar said...

mas maganda yan kung try mo i-pronounce..

U (pause mga .1 second, at may kahinaan..) --LUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUL!!! (mahaba, may kalakasan, patusok ang nguso, medyo tikwas ang labi.. )

mohico presbitero said...

hahahaha... tinry ko hehehheeh ako naman yata ang nagmukhang U-LUUUUUUUUUL!!! hehhee

_Stine Olivar said...

hahhahhahaha lolx,, di rinnnn.. wala ka bang naramdamang kakaibang relief nung gawin mo yun, may magic dun e,, hahhahahahaha heaven ba :)) =))

mohico presbitero said...

hehe wala naman.. di ko pa nararamdaman 'yang heaven-ness~ hna 'yan.. di ko pa kasi nagagawa ng seryoso 'yang U-LUUUUUULL!! e X________x

Ernest Angeles said...

na uulul na mga tao dito... LA SALLE, watch out! you're next!

Roxanne Delay said...

ang gandang adbentyur naman nito!

marianne sibulo said...

grabe ngaun ko lang nabasa to. natouch naman ako at naalala mo pala ako noon. haha! si justin lang ang rich at hindi ako...sya may kotse ako wala...

Ernest Angeles said...

nakakatawa, nabasa ko ulit itong buong entry ko, sarap tuloy komentan ulit.

haha, ang ganda naman nung anak nyang babae, mukhang matalino yung anak nyang lalaki, pero hindi mukhang geek.

Ernest Angeles said...

shox, baka madinig ka nys... shhhh...

ang komedi talaga nung walang kahig tatlong libong tuka...

Ernest Angeles said...

naalala talaga kita, lagi kitang naiisip, lagi kitang napapanaginipan... hehehe (umayos ka, baka maniwala ka naman)

hindi ka rich? well, hindi masyado, si batocabs, yun ang rich... hehehe

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger