08 December 2007
Middle Class, yan ang pumupuno sa UP. Mangarap ngarap man tayo na puro tayo mga anak mayaman, o mag paawa man tayo na puro tayo napulot sa tabi ng tae ng kalabaw ang katotohanan ay simple, tayo ay middle class, tapos.
Hindi tayo tulad nilang mga mahihirap na <---------- isang kahig at isang tuka, na minsan ay wala pa nga.
Hindi ko alam kung bakit tuwang-tuwa at lungkot na lungkot ako sa picture na ito na kuha ko sa Sorsogon. Isang pares ng manok, mag-ina yata, parang sisiw na hindi pa umaalis sa tabi ng magulang. Parang teenager na hindi pa iniiwan ang ina, dahil mas madaming kumakahig, mas maraming matutuka. Kahit sa basura pa sila maghalukay, sa itim na buhangin ng tabing dagat, sa ilalim ng mga balat ng niyog at plastik ng kape. Ewan ko lang talaga, ayoko tuloy maging middle class bigla, gusto kong maintindihan kung paano ang mamuhay sa bawat araw ng umuulit sa simula. Pag gising iisipin kung saan kukuha ng makakain, buong araw ito ang aasikasuhin, at sa gabi, tagumpay man o hindi sa layunin ng araw na iyon ay matutulog para mag hintay ulitin ang lahat, kahig ulit, tuka kung meron, tulog na lang pag-wala.
3 things said:
meron akong theory, na soobrang mahirap maging middle class., parang kung mahirap, soobrang mahirap ka na., kung mayaman, edi yung soobrang yaman na., wala lang., hahaha., para mas simple., :P
akala ko kinuha mo sa inerenet yung pic..
nang binigyan mo ng konteksto yung dalawang yan,, iba ang buhay na nabigay mo bot
"Isang pares ng manok, mag-ina yata, parang sisiw na hindi pa umaalis sa tabi ng magulang. Parang teenager na hindi pa iniiwan ang ina, dahil mas madaming kumakahig, mas maraming matutuka." --> galing ah
Post a Comment