Ako ay Lalaki

17 February 2008

Ako ay Lalaki

Isinilang na may bayag at burat

Nabuhay na kailangang matuli

May pagkataong binabalahan ng serbesa

May pag-iisip na ang laman ay tamod.

 

Oo, ako ay lalaki

Lalaking lumuluhod sa panliligaw

Lalaking tumitiklop sa karayom

Sa sandok, sa punda, sa palu-palo

Lalaking nagbabanat ng buto

ng laman

ng ugat

Pati isipan ay inuunat

Pero hindi ang buhok

 

Ako ay isang lalaki

Minsan ako ay ama

Sa anak na di ko nakikita

Abalang-abala

abala sa eskwela

abala sa lakwatsa

abala sa barkada

Minsan ako ay asawa

Sa babaeng hindi ko matabihan

Pagod-pagod

pagod sa bahay

pagod sa bata

pagod sa akin

 

Sinong may sabi

Mag lagay lang ako ng pera sa mesa

Tapos na ang tungkulin?

Pera lang ba sa mesa?

Hindi pagkain sa plato?

Hindi kumot sa anak na nilalagnat?

Hindi saplot sa babaeng sinumpang poprotektahan?

 

Sinong reyna-reynahang hangal

Nagsabing madali

Ang kumayod, kumahig, para may matuka

Kahit isa, dalawa, tatlo

Kakahig ako ng anim, pito, walo

Kalyo sa hirap

Sugat na masakit

Mahirap din ang kumayod

 

Kailangan ko bang humingi ng tawad

Sa pagprotekta sa iyo, babae?

Sa pagiging malakas?

Sa pagdudunong-dunungan?

Sa Pagiging Lalaki?

16 things said:

Jammin Tanioka said...

on the white corner: the feminist!
on the red corner: ang bagong bago at fresh na fresh na masculinist (?!?)
hahahahaha

Ernest Angeles said...

wahahahaha! bagong -ism, machoism! este, masculinism na lang, mas bagay...

Trisha Torga said...

gusto ko ding maging lalaki
na kahit walang bayag
ay makakapaghayag
na ako ay isang lalaki!.,
XDDD

_Stine Olivar said...

ehe ehe ehe,, ano sasabihin ko,, ang sasabihin ko,, ano nga ba. e kasi ano,, ano ba yun,, ah, ang sasabihin ko ay,,




















sexist!

nyahahahhahahahaahahahaha

hona hona,, may konteks naman kasi to,,, kaya di pwedeng iistereotype,, pero nasa konteks ng sexist na lipunan (huwel, andun naman tayo) heniwey,, seksist pa rin! seksist na teksto! may mga seksist remarks!

Nyahahahahahahhahahahahahaha
Bwahahahahahahahahahahahahhahaha!!


_____
nag aaply ba sa pinagtatalunan niyong term ang machismo? di ko rin alam kasi kung ano definition ng machismo e...

Trisha Torga said...

kurisutin-san!!! i need you!!., ahahaha., :P

_Stine Olivar said...

nays wan,,,

o ito,, napakasimbolik ng binitawan ni torga-san,, di seksis,, napaka empowering =)) hahahahahahhaha kalayaaN! mabuhay ang kalayaan! kataastaasang katipunan!

Ernest Angeles said...

sexist? kapag ang lalaki ang itinataas sexist? Sexist ka pala e!

_Stine Olivar said...

wahahahah ikaw nag imply niyan wala akong sinabi na sexist dahil dyan :)) =)) wahahahaha! sabi nang ang defn ng sexist na ginagamit ko e ang paggamit ng sex para mang istiryotayp ng tao :))

Ernest Angeles said...

sooooo... inistiryotayp ko ang lalaki? ganun ba?

_Stine Olivar said...

ganun na nga

Ernest Angeles said...

paano ko magagawa yun sa sarili kong gender?

_Stine Olivar said...

ha? nagawa mo na @_@

pero tulad nung sinabi ko sa unang comment, may konteksto naman kasi,, :))

Ernest Angeles said...

honga, tsaka kasama na yan sa mga gawa ko parati, sexism! Hahahaha!

kay gandang marka!

_Stine Olivar said...

ha? hahahahahahah @_@ =)) hahahaha ginawa nating thread to a,, hahahah ay waw! yan pala tags niyan =)) :)) =)) ngayon ko lang nabasa =))

Arbee Demotica said...

whhhhaaaaaaat???!!! youre my step father?!!!! hahaha

nyc one i read this entry from Pearl (soweee i snooped over your things!)

hehehe hooraa hooooraa!

Ernest Angeles said...

nagkakilala na pala kayo ni pearly... cool

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger