Matagal Na Nga Talaga

29 March 2008

(excerpt from my short-story-in-the-raw "Paano ba binabasa ang KAIBIGAN?")

Matagal na talaga, matagal na mula nuong huling nangyari sa akin ito, nuong huli kong nadama ito. Mas matalino na ako kesa noon, mas marunong, hindi na ako mapapatid, alam ko na kung nasaan ang linya. Masyado na maraming galos ang mga tuhod ko para malimutan ko pa, masyado na marami para manatiling tanga.

Kailangan ko nang matandaan na iba ang pag-ibig sa pagkakaibigan, alin man doon ay hindi ko na natin mapagsasaluhan, kasalanan ko, alam ko. Huwag mo na itanggi, kaya ganyan ang sinasabi ng mg mata mo ay dahil alam mo din.

Hindi na, hindi na ako magpapauto sa mga ngiti na 'yan na mansanas na ginasgasan ng ahas. Hindi ko na kayang ibuwis ang paraisong pinaghirapan kong mabalikan. Kahit paraisong selda man ito, di bale na, selda na lang kesa bitay.

4 things said:

_Stine Olivar said...

wahahahah akala ko original mo :))

Ernest Angeles said...

original yan, excerpt from my own story... na hindi pa tapos...

_Stine Olivar said...

wahahahahahahahahhaha

edi tuloy ko na ang naudlot kong koment

; tae gusto mo ba ng tae dahil wala akong pera tapos manghoholdap ka pa,, wahahahah
o, walang read between the lines yan. yan lang ang una kong naisip nung una kong mabasa yang gawa mo na akala ko gawa mo na gawa mo pala talaga,, wahahahaha,, nays wan heniwey parang ang laki ng problema a :))

Ernest Angeles said...

o nga no. wala nga.

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger