13 March 2008
ang dami kong gawang kelangan tapusin, puro pala simula. eto na yung una sa series. Ipinagbabawal nakawin ang mga opening lines ko, amen.
Ngayon Pa Lang Nagsisimula ang Gabi
Maingay ang takatak ng makinilyang parang binuo sa masking tape at kalawang, sabay sa mabagsik na tanong ng pulis sa biglang bumait na bagong huling holdaper, na bait-baitan ding sumasagot. Sabay sa kantyaw ng mag huli sa selda na nagpupuyat, na sinundan ng pananaway ng ibang nasa selda din na patulog na. Humahalo ang matapang na alingasaw ng bagong pinturang pader ng labas sa matapang na bango ng timba-timbang kape sa loob. Nakatayo ako sa may pinto ng presinto, lumilinga-linga ang ulo't lumilipad-lipad ang naumugtong mga mata, kung alin man sa pagod at puyat ang dapat sisihin, hindi ko alam. Kanina pa nakalubog ang araw pero ngayon pa lang nagsisimula ang gabi.
2 things said:
naks naman,, parang may naalala akong telenobela,, yung tipong yung title nasa linya ng isang character,, hihihi,, heniwey,, gusto ko yung pagkakapasok nung ngayon pa lang nagsisimula ang gabi
kaya ko naman ginawang title kasi ang gandang parte ng dialouge o ng narration. nauna ko naisip yung one-liner na yan e.
Post a Comment