Mga Bitin na Gawa Series - Talumpati sa mga Munting Pangarap ng mga Isinilang Bago ang Pagmulat ng Nakaraang Dekada

13 March 2008

Pilipinas, ang bawat umaga ay kambal ng kahapon. Sa harap ng paliit nang paliit na pandesal, sabay sa pag-higop ng kapeng walang asukal ay ang pag lasa sa balita sa pahayagang sing pait, kundi man mas mapait pa. Sa mga salitang bumabaybay sa konsepto ng katiwalian, karahasan, kababuyan, at kalokohan; sa larawan ng gutom, lungkot, ngiting ganid, at ngiting aso. Sabay-sabay tayong iiling, sisimangot at bubulong na "Kay lupit ng kapalaran sa aking bayan." Pero iyon ang problema, ang suliranin, ang pinaka mali sa lahat ng ating ginagawa, tayo ay bumubulong.

Bakit nga ba hindi posibleng sumigaw? Bakit ang iilang pinili tumayo sa bubong ng jepp, yumakap sa init ng araw at gawing sandata ang mga megaphone laban sa mga sarado nating isipan ay titignan, tataasan ng kilay at sasabihing, "Kawawang nilalang, sayang ang talino, nauwi lang sa placard at pintura"

0 things said:

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger