Inday Fiction Teaser: Inday-Inay

29 April 2008

“I saw you on TV, Armando.”

Naghuhugas ng pinggan si Mama Inday, malamang mukha nanaman syang napuwing kahit nakatalikod s’ya sa akin. Hindi pa nakakatayo ulit yung mga germs na pinatumba ng bag kong initsa ko sa sulok, hindi pa nagsisimulang mag-init ang paa ko sa tsinelas na pambahay, hindi pa sumasayad ang  puwit ko sa monobloc ay nagsimula na s’ya. Hindi naman sa hindi ko inaasahan, alam ko na namang si mama ang makakaunang luminis (sasabon) sa nanglilimahid kong balat, init kasi. Hindi na ako sumagot.

“What were you doing there?”

Hindi namin bahay itong lugar na dinederetsuhan ko pagkauwi ko galing eskwela (o rally, kung alin man) pero halos ganito na rin kalaki, ito ay dirty kitchen lang ng bahay ng mga Montemayor. Mga Montemayor na may-ari nung bahay na tinutuluyan namin, nag-papasweldo kay Mama at tatay, hindi ko alam kung magkano pero nabili na din yata nila ang kaluluwa nila, yung akin yata on-lease lang. Nakatalikod parin sa akin si Mama, gusto ko naman sana itanong kung paano n’ya ko napanood sa TV samantalang wala kaming TV, kahit alam ko naman ang sagot at asa harap ko nga, yung TV na lagi na yatang nakatutok sa ANC, yung TV sa kusina.

Sa katahimikan ko yata ay naisip ni Mama na utusan na lang ako imbis na awayin na naman n’ya ako, bumili daw ako ng suka, tunggain ko daw ng matauhan ako. Sa totoo lang hindi yun ang sionabi n’ya, ang sabi n’ya “I’m going to ask you to buy vinegar, you might want to think about drinking it straight to straighten your head Armando, know you’re priorities.” I know my priorities ma. Inaabot n’ya yung barya sa ibabaw nung ref ay nakita ko ang kamay n’ya, na may pamilyar na marka.

“Ma, minsan gusto ko makausap ng matino yang tatay ni ‘Nyor, hindi yata alam ang tamang pag gamit ng plantsa ay hindi sa tao, lalong hindi sa nanay ko.”

2 things said:

Trisha Torga said...

woooo...I LOVE IT!!., :)
can't wait to read the whole thing!., :P

Ernest Angeles said...

thanks, magkakaroon sya ng dalawang bersyon, ang mailalagay ko lang dito ay yung short story version, promise ko na by saturday andito na yun!

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger