21 May 2008
Naalala ko lang yung noon,
Parang ang dali lang pala sabihin ng "hayaan mo na", hayaan na lang, hayaan ang panahon na magdesisyon kung papaanurin o didiligan. Hindi ko nga lang alam kung tama bang hayaan na lang, panahon nga ba ang nagdedesisyon o tayo parin pero umaasa lang tayo na mas masabi sa sarili na mas tama na ang desisyon na ito ngayon, o di kaya mas mali naman ang isa.
Lagi ko ring bukang bibig yan, hamo na, aayos din yan. O di kaya naman ay lilipas din yan. Masyado madaming bese ko na nga ginamit kaya magagawa ko nang sabihin na hindi laging aayos at lalong hindi lagi lilipas. Sabi, time heals all wounds, sabi ko naman, time tries... really hard.
Maganda parin namang pamamaraan ang "hamo na", pero siguro hindi solusyon, wala naman itong nireresulba, bukod sa pagpapatagal.
Minsan nagkasugat ako, hinintay kong gumaling, gumaling naman.
Minsan nagkasakit ako, hinintay kong mawala, kailangan pa pala ng gamot.
Hamo na, hamo na
Baka naman kelangan na gawan ng paraan? naman o, hirap ng tumatanda, mamimili na sa alin sa dalawa ang nagsasabing matanda na nga ako. Kelangan ko ulit maging sanggol, mabilis.
hanggang ngayon, tuwing pumipikit ako sa gabi, humihiling ako na pag-gising ko ay bata nanaman ako at panaginip lang itong lahat, tsaka ko sasabihing... "hamo na"
15 things said:
sabi naman sayo angles. masarap ang hamon e.. hamonado.. pwede rin..
hawhawhaw.. hehehe.. hmmn.. di ako naniniwalang may nagagawa ang panahon. tingin pareho lang yun. nasa taong kumakapit sa isang pangyayari kung papaapekto sya sa mga darating pang pangyayari kasabay ng panahon para tuluyang matuto o makalimot(na malabo) sa kung ano yung tingin niya ang dapat.
hamona? @_@ hewan.. pero tingin ko,, pag sinasabi ko to.. ang version ko naman e so be it.. e wala na kong pakelam, bahala na si botman and robot. kung worst man ang mangyari so be it.. para sa kin, ang pag-hahaya (hala ang hirap itagalog),, e wala ka nang dapat pang i expect na kahit anong matinong resulta,, tataligod ka na sa katotohanan,, tas wala nang nangyari.. dedz. period. wala nang pakelamanan. hehehehe..
'yaan mo na... minsan nawawala..minsan naman lumalala..wala lang. 'yaan mo na
yeah yeah yeah yap yap yo!
yeah break it down yo! \m/
hahahahah lolx, ooh lala
huwag kayo mag hip hop dito mga walangya...
hahahahahahahhah chug chak! chug chuchug chak!!!
haaay, kung puwede lang na hayaan ng hayaan lang talaga, kaso may mga bagay na gusto mo hayaan pero constantly nandyan kaya laging kapansin-pansin kapag hindi epektib na hayaan lang.
so sa pagkakataong ito, hindi umeepekto ang paghahaya?
ewan ko, hayaan pa nating konte
hokei,,tingnan natin kung gano katindi pananalig mo sa konsepto ng oras weeeeeee
meron kaya ako nun?
mukhang dito ko lang din malalaman.
heheh.. bilang ernest,, kung bulag ka tas wala kang orasan, pano mo susukatin yun,, hahahaha.. naalala ko tuloy yung kanta na kinanta natin sa parti tae.. yung one thousand twnety five six hundred minutes (tae di ko maaalala basta parang ganyan) hehehehe pano daw ba imeasure ang isang taon..heheh
uh... edi one one-thousand, two one-thousand...
ngi,, hahahahahahhaahah music
Post a Comment