10 September 2008
Hubad at nakayuko mula sa entabladong bato
Hubad at nakayukong tao.
Hubad at nakayuko, pinagmamasdan ang mundo
Hubad at nakayuko sa malayo.
Nakasilip, dumudungaw mula sa butas sa langit
Pinagmamasdan mga pilat at lait.
Nagmamasid, naghihintay ng malapit na pagsapit
Ng sariling pagdanas ng sakit.
Bago isilang, bago bumuka
Ang mga sanggol na mata
At makita
Ang tagapagsilang na ina
At paluin ang mortal na katawang lupa
May nauna na na luha.
Di kaya ang ulan luha lamang
Ng mga kaluluwang di pa isinisilang,
Luha ng takot sa papasuking daigdig
Luha, di iyak, luhang walang tinig.
3 things said:
gustong gusto ko tono neto, nyahahahhahahahaha,,, nakakatuwa naman talaga to, nakakatuwa, nakakatuwa... nakow,.. masesearch na talaga ko sa google,, may pangalan ako,,
:))
comment mode, uh, di ko napansin yung part na na bumuka nung una kong binasa,,.. pero,, uhh.. baka dahil ginagawa ko ang 155 ngayon ganto ko mag isip? *konteks: kakatapos lang ng report natin at may papasa tayo about.. *
hahahaha
una ko kasing naisip yung ideya ng oblationg baligtad (kasi nakayuko) para gawing tula pero yung ideya ng pgamamasid yung naging ugat nung materyal para gawing mga kaluluwa ng di pa naisislang yung imaheng ginawa mo.
yayim X=
Post a Comment