02 September 2008
Lahat naman tayo may kanya-kanyang soundtrack, kanya-kanyang playlist ng mga kantang may kanya-kanyang binabagayang timing sa buhay natin. Halimbawa kapag trip mo mag-emo magpapatugtog ka ng mga malulungkot na kanta (Silent Sanct, o kung korni ka My Chem, kung sobrang lakas ng tama ng kalungkutan sa'yo baka patulan mo pa si Sharon Cuneta), kapag sobrang happy joy joy ka naman magpapatugtog ka ng masasayang kanta (hahalungkatin mo ang e-heads mo o kaya sasayawan mo si Jason Mraz, kung OA naman ang kaligayahan mo baka magpatugtog ka pa ng VST) ganun, ako kasi meron din. Yung sa akin nga lang, siguro meron ding ganito senyo, may kanya-kanyang specific purpose, yung akin ngayon ay yung panggawa ng paper, sound-blocking, happy joy joy, playlist ko, eto yung default playlist ko sa Winamp, pang typing jobs talaga.
- Artic Monkeys - Fake Tales of San Francisco (wala lang kasi masayang opening song, sayawan kaagad)
- Artic Monkeys - I Bet You Look Good On The Dance Floor (para tuloy-tuloy ang pagsayaw sa harap ng PC at magsimula na lumayo sa akin ang mga tao sa immediate vicinity dahil iisipin na nila na nakakahawa ang toyo ko)
- Foo Fighters - Everlong (para masimulan na ang pagigitara sa ere sa harap ng PC, sobrang nawiwirduhan na ang mga kasambahay ko track 3 pa lang)
- Foo Fighters - Learn to Fly (medyo mas magaan sa Everlong para makapagsimula na ng seryosong pagsusulat at madugtungan na sa wakas yung name-date-student number-subject-title na naisulat ko na)
- Foo Fighters - Long Road to Ruin (para hindi masyado maburyong kaagad, tuloy ang pakikinig sa drummer na malaki ang galit sa drum set nya at sa gitaristang madaming pambili ng string)
- Foo Fighters - Monkey Wrench (double purpose, pang procrastinate ng konte dahil magsisimula nanaman ako magpanggap na rockstar sa kantang to, tsaka para siguraduhing hindi ako makakatulog kaagad)
- Foo Fighters - My Hero (sa puntong ito ay nag heheadbang na ako habang nagtatayp, mabuti na yun kesa simulan ko pang mag multiply sa gitna ng paper)
- Foo Fighters - The Best of You (para mag-air guitar na habang nagtatayp, paa na ang pinang tatayp, hindeeeeee, gusto ko lang ng ingay para sound blocking at hindi ko madinig ang ingay ng TV o kwentuhan ng mga kasambahay ko habang nagtatayp ako kaya maraming Foo Fighters dito)
- Foo Fighters - Times Like This (oo, FF parin, ayoko naman kasi mag Metallica o Avenged Sevenfold habang nag-pepaper dahil baka hambalusin ko pa ng Sledgehammer yung Monitor ko bigla)
- Foo Fighters - The Pretender (sige na nga, kasi trip ko din ang ingay ng Foo Fighters kaya sila ang pang paper ko, nakakbuhay, nagheheadbang ultimo ang brain cells ko, pati yung cells ko, pati yung viruses at antibodies sa katawan ko)
- The Police - Roxanne (ayan, hindi na FF, si Sting naman, simula na ng medyo malumanay na kanta para flowing na yung paper at hindi na blow-by-blow account ng data)
- Luther Vandross - Dance with My Father (wow, ang korni ng playlist bigla! hindeeee, maganda naman tong kantang to e, tsaka eto yung cue ko na i-edit ko na yung tinayp ko from this point upward)
- Kingbastard - Fuck-up (medyo balik na sa paper mode, pero binabasa na ng mabuti ang tinatayp dito na ako bumabagal at nagpapahinga kahit nagtatayp parin)
- Dong Abay - Gusto (wala, gusto ko lang)
- Noel Cabangon - Kanlungan (linis ng paper mode)
- Noel Cabangon - Hari ng Kalye (para ihanda ang sarili sa pag-reset ng playlist at para makapagtuloy-tuloy na ulit ng typing, tapos ulit na ulit ng playlist, bugso-bugso mode)
Ayan, ewan ko kung interesting yan, basta gusto ko i-blog, blog nyo rin yung senyo, ayos ba? AYOS!
6 things said:
learn to fly at dong abay lang alam ko
hahahaha
pero natawa ako sa pang intromo sa list mo a. hahaha
yah, air guitar nation na naman tayo ngayon, paper paper
@__@... -- -- bat may air guitar.. :)) @__@
nag e-air guitar ako kapag nag sasounds, nag sasounds ako kapag nag pepaper...
kapag nag e- air guitar ka, nasa hangin kamay mo
kapag nagpepaper ka, nagtatayp ka
kapag nagtatayp ka, nasa keyboard kamay mo
typing --> kamay on keyboard
paper --> typing
paper --> sounds
______________
typing --> kamay on keyboard
paper --> typing and sounds
sounds ---> air guitar
air guitar --> kamay in the air
so,,, paper ---> typing and air guitar
paper ---> kamay on key board and kamay in the air
therefore, ernest is octopus
hahahahahaaha
dyok
'_'
uh... hinde, uh... paano ba...
tumutugtog yung sounds mula sa headphones
nagtatayp yung dalawang kamay
papasok ang parteng gusto ko
mag e-airguitar ako.
Post a Comment