30 May 2009
Malabo to, ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo na mag-iiskwigli eyed moment kayo habang binabasa at pagkatapos n'yo basahin ito.
Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng bus, inuunat at sinasara ko ang kaliwang kamay ko, nagpapanggap na may nakahawak dito. Lilingon ako sa tabi ko at ngingitian ang hangin, parang baliw na nakakakita ng kung ano, kung sino, parang bata na naglalaro ng pagkukunwari.
Ang dali para sa akin na gambalain ang pananaginip ng ilang pilas-pilas na katotohanan. Kaya kong magsimula mag-isip na mayroong nandiyan lang, mayroong dumarating, mayroong panibagong dahilan para magsulat ng ganitong pagsusulat, pero sa bandang huli ay mahuhulog lang ako sa katotohanan na wala naman talaga. Tuloy sa pagbagsak sa katotohanang malayo na ang alitaptap sa aking mga kamay. Kaya't magbabalik na lang ulit sa pananaginip.
May sarili s'yang mundo habang ako'y nasa mundo ng panaginip. May sarili s'yang alitaptap na gustong habulin, may sarili s'yang pagkukunwari, may sariling pagkumbinsi sa sarili, at yuon ang s'yang nagpapayelo sa alab ng sigarilyo ko, patuloy pa ring lumiliyab, ngunit lumiliyab na yelo na.
Kaya ko pa pala, kahit sa mundo ko ng pagkukunwari, kaya ko palang masaktan.
9 things said:
eh? ano meaning nung last line?
onga, pain transcends the real. tch. and besides, may mga pangit na after-effects ang pangangarap, minsan napapaasa lang tayo.
but that's what makes us human. :P
Yapper, umaasa, kahit alam mo namang fake lang at imbento mo lang, nasasaktan ka pa rin kapag hindi ikaw ang bida ng kwento.
Ikaw nga siguro ang bida sa kwento mo, pero cameo ka lang sa tunay na kwento, at lalo na sa kwento ng taong nasa isipan mo
uuhhh, nasasaktan dahil ang tunay na mundo ay nagdadala ng sakit sa mundo ko ng pagkukunwari
aaaaaaah,,, yeh, kaya nabuo ang mundo ng pagkukunwari ay dahil may tunay kang wold.
Yapperwhirled (di na ako nagwhiwhirled, taena, nabwisit ako dun sa isang player dun na 14 year old Briton na di marunong umintindi ng Street Art)
ah eh sino naman yun? wala naman na siya siguro dun? tsaka, bat kayo napunta sa street art? @_@ LOLCaptions?
May picture dun sa LOLcaptions na graffitti, gandang ganda ako, ang kinaption nya e form daw yun ng degrading society ng america, racist pa ampotah... kabata-bata pa e...
Tapos ang kinokowt n'yang source nya ng inis nya sa Kano at sa Street art e nanay n'ya, watdaheeel.
hahahahaha,, :D
Post a Comment