Frisco 1

08 August 2009

strum-strum-strum

Sa kwarto ni Frisco, wala kang makitang pader, puro mga larawan ng mga nagtatawanang tao, mga poster ng mga concert ilang taon, buwan, linggo na ang nakakaraan ginanap, mga poster ng mga banda, mga album cover na pina-enlarge, mga drowing sa cartolina, mga leaflet, kung anu-ano. Hindi ka makakapag sindi ng posporo na wala kang nasisindihang papel, ganun ka puno, patong-patong pa, parang sumikip na nga yung kwarto dahil sa kapal nang mga tse-tseburetse sa pader.

Strum

Tumitipa si Frisco, sa bawat strum ay titigil at hihinga ng malalim, parang hinihigop mula sa hangin ang tunog na nalikha n'ya. Paulit-ulit, strum, tigil, strum, tigil, strum, tigil. Matapos maka ilang ulit ay nagtuloy-tuloy, nagkabit kabit ang mga pirapirasong musika n'ya, naging kanta. Naging parang kanta, basta, musika, ang galing, ultimo mga daga sa ding-ding ay napatigil sa pagngatngat ng kahoy, pumapalakpak ang tenga ng mga daga, ganun s'ya kagaling.

Tumigil si Frisco.

Umulit sa simula, ngayon naman ay kumakanta na s'ya, isang kantang parang isang libong karayom, napuno ang kwarto n'ya ng malamig na boses, malungkot na boses, malungkot na awit, kung titignan mong mabuti, mapapansin mong maluha-luha na sa poster n'ya si Kurt Cobain, nagheheadbang na ng konti si Rico Blanco, at parang nabubura ang mga ngiti sa mga larawan, parang gusto nang mamatay ng daga sa loob nung dingding. Parang sinusulat na ng boses ni Frisco sa hangin ang mismong mga salita, mababasa mo ang isang kwento ng pag-ibig, kay sayang pag-ibig, pag-ibig na hindi naman pala totoo, ilusyon, nagpapanggap.

Tumigil si Frisco, ngumiti, at nagsindi ng posporo.

5 things said:

_Stine Olivar said...

Ito na ba yun? Yung kwento ng musikero? :D



Hmn.. medyo naramdaman ko na ang paghanga nung writer sa character niya.

Ernest Angeles said...

hindi pa yan yun, binubuo ko pa lang si Frisco, masasama pa si Johnny Sideways at si Alberto Roma

_Stine Olivar said...

@_@

Ernest Angeles said...

Tatlo kasi yung characters na binubuo ko para dun, big project sya para sa akin

_Stine Olivar said...

ah okies.

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger