Insert Korning Title or Para sa mga Kaibigan Kong Piniling Umibig

22 May 2010

('Ano nanamang kalokohan to Ernie?' Sasabihin n'yo)


Una sa lahat, nais kong mag-alay ng papuri, pagbubunyi, paghanga, pagkawindang, chocolate chip cookies, at buhay na manok para sa inyo (o sa atin, waterbear). Palakpakan para sa mga sira-ulong pinili pa ring umibig kahit ano pang pagkadurog ng puso, pagkapaminta ng pagkatao, ay pagka abo ng kaluluwa na nakikita natin sa TV at sinehan (o illegally downloaded sa computer), na talaga namang negatively reinforcing. Mabuhay ang mga sira-ulong walang pakielam sa lahat ng kabulastugang yuon at tumutunganga lang para sa happy ending. Matapang ka, sabihin mo mang hindi mo pinili maramdaman ang nararamdaman mo ay, oh well, nandyan pa rin yan. Aminin mo man o hindi ginusto mo yan, umibig ka at hindi mo ginawa ang mga pwede namang gawing pag-iwas o paglublob ng puso sa liquid nitrogen.

Hirit ng nagmamarunong na takot naman sa mga terminolohiya o ng nahihiyang gumamit ng salitang 'pag-ibig' kasi wow pare ang lalim o di kaya'y ew tsong baduy; Hindi ako umiibig/hindi pa ito pag-ibig/hindi ako naniniwala sa pag-ibig, I'm just fond of her ('at ganun din s'ya sa akin' optional). The hell, ano ba ang problema ng iba sa atin sa terms? Salita lang ito kaibigan, ang ibig sabihin sa ingles ay 'like'. Ibig, ibig, ibig, 'pag-ibig', 'umiibig', 'mag ibig ka ng tubig pampaligo ng ate mo'. Salita lang ito kaibigan, walang dahilan matakot sa salita, tao ang nagluluwa ng salita (pamisa'y kinakain pa nga, ew). Salita mo yan, labo naman matakot.

So anyway, ayun nga, congrats, magaling, mahusay. Medyo mabigat lang yung feeling n'yan sa simula pero biglang gagaan na lumilipad ka na tapos bibigat ulit kaya mahuhulog ka. Kasamaang palad lang talaga at walang sasalo sa'yo. Ganito ang tingin ko sa pag-ibig; Parang pagkahulog sa bangin, sobrang lalim na bangin na parang yung bangin na kinahulugan ni Alice sa Alice in Wonderland nung sinundan n'ya yung nagsasalitang kuneho. Sa simula ng pagkahulog mo'y natatakot ka, habang tumatagal nalilimutan mo na ang tungkol sa pagkahulog at nagiging masaya ka, ineenjoy mo ang experience, sinimulan mo itong tawaging pag lipad at hindi pagkahulog. Tapos maiinip ka, wala ka nang magawa, hindi mo na ma-enjoy, wala nang bago. Hindi na dramatic, romantic, o metaphoric yung nangyayari kundi pathetic na lang. Nahuhulog ka na lang talaga, at babalik yung takot, dahil naalala mong walang nahuhulog, na hindi bumabagsak. Malulungkot kang hindi mo mapigilan ang pagdating ng sakit, naiinis ka, pero mas namamayani yung lungkot.

Ang pag-ibig, yung tunay, ay yuong nabubuhay pa pagkatapos ng pagkahulog sa lupa, bumangon sa pagkakasalampak sa sahig, tinanggap na putsa ang sakit ng buong katawan ko buti na lang imortal ako. At habang masakit pa, habang nagsisimula pa lang maghilom, ay sinimulan nang akyatin yung bangin na kinahulugan, dahan-dahan. Ang tunay na pag-ibig yung aakyat at tatalon at aakyat at tatalon ng paulit-ulit. Hanggang sa maging magkasing saya ang pagkahulog at ang pagakyat, kahit na ang ibig sabihin nuon ay hindi na ito aabot sa dating all-time high ng kasiyahan. Hanggang sa malimutan mo na ang tungkol sa pagbagsak, pagtama sa lupa, at maging tungkol na lang ito sa pagkahulog, sa pagpapaubaya sa mundo na hilahin ka, tapos ipahiya ito sa pamamagitan ng pagbangon at pag angat. Di bale na yung sakit, di bale na yung mga sugat.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi yung sa exciting na parte, ang tunay na pag-ibig yung nabubuhay sa monotonous. Yung hindi na importante sa'yo kung di ka na dinadalhan ng bulaklak o minamasahe. Hindi na importante kung nababawasan ang oras n'ya para sa iyo. Hindi na importante sa'yo na magpakita pa ng affection, at hindi ka na rin naghihintay noon, sapat na sa'yo ang bagay na kayo ang magkasama. Na pinili n'yo ang isa't isa bilang patunay na nagmamahalan nga kayo. Yuong parte na s'ya ng paulit-ulit at boring mong buhay, hindi lang parang birthday party na one-time big time. Ang tunay na pag-ibig wala nang pakielam sa pag-ibig, ang tunay na pag-ibig nasasanay, at wala nang alam na ibang pamamaraan ng pamumuhay kundi ang magmahal. Wow ang korni na.

(Sabi nila experience is the greatest teacher, sabi ko naman, it's not the only teacher. Mula sa kasanayan ko sa kakapanhik sa iba't ibang bangin, hanggang sa mas naeenjoy ko na yung pag tama sa lupa kesa sa pagkahulog. Kaya ko lang naman sinulat to dahil kinikilig ako sa pag-ibig ng mga iba d'yan, pero iniisip ko ding mas maganda kung kahit wala na yung kilig, nandoon pa rin yung pag-ibig)

(Hindi ko alam kung may sense yun)

7 things said:

Jammin Tanioka said...

:)) masasanay sa boring =)) yoko nga =))

-pede mo namang gawing hindi boring e, para-paraan lang hahahahaha
-bakit monotonous?!??! eeew, monotonous lang yon pag hindi bumabalik sayo (ay EMO ka nga pala :)) so sige pagbigyan)



P.S. Ernie ang Emo mo :))

Ernest Angeles said...

Tenkyu.

gab(",) de leon said...

Tsong, masarap din mahulog minsan. Kunwari from 3 stories high tapos mag-a-Aussie jump ka pababa. Promise, masaya yun.

Siguro kanya-kanyang tingin lang yan. ;)

Kaya nga emo ka. :D

Ernest Angeles said...

Sabi ko nga emo ako e, pero medyo matagal na kasi yan pending matapos, napilit ko rin sarili ko tapusin :))

Taena ayoko ng Aussie Jump, it's not the fear, it's the pain in my bambambadeem and bambambadoodles

_Stine Olivar said...

Wahahahahahahaha XD Hadik niyo.

_Stine Olivar said...

AHahahhaha, salita. :D

_Stine Olivar said...

;) wengk, wahahahaha, (tredmark pows ni anggols sanggol, wahahahah ) XD

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger