05 December 2007
Ilang ina ba ang natuwa, nag-bunyi, nag paispageti
Nung lumapit ang kanyang anak at nagsabi
"inay, gusto ko maging doktor" o inhenyero o abugado
Paano naman sa tulad ko?
Akala ko ay pareho
Inay, ako, gusto ko magsulat ng libro.
Pero bakit ganito?
Kumunot ang noo,
Pinagbabawal na tuparin munting pangarap na ito.
Pwera ba ang hanap ko ay hindi ginto?
Hindi opisina sa Makati o bahay sa Tagaytay?
Hindi na rin pwedeng mamili ng sariling buhay.
Wala daw say-say,
Nuong sinabi kong "gusto ko magsulat, inay"
Ang dinig ata ay "gusto ko magpakamatay"
Anak o anak, hindi maganda yan.
Paano ka bubuhay ng pamilyang tinta ang laman tyan?
Ano na lang ang sasabihin ng aking mga kaibigan?
"Wahahahaha! Ika'y nagsayang lamang
ng pang agahan, tanghalian at hapunan,
sa anak na hindi ka masusustentuhan."
Ng ano? Euro, o Dolyar?
Riyal, Yen o Dinar?
"Wahahahaha! Writer ang anak mo,
Titira sa bundok, sa kweba, sa kubo
Magsusulat ng tula, nobela't kwento,
Mag-uuwi lang ng tropeo,
Pero wala ni piso
ni Bentsinko
Isang perang kalawangin
Ang anak mo'y nasayang, walang mararating
Matalino nga'y Mang-mang pa din"
Inay wag kayong mapraning
Makikita nyo din
Makikita nyo din
3 things said:
NAKS! galing talaga. seryoso, mahusay. mahusay. keep up the good work!
*palakpak*
bakit? ayaw ba ng ermats mo?
-wala mang pera, nalulubos mo naman ang pagkabuhay mo,, alam naman natin kung alin ang higit na mas nakakahalaga ^_^,, mabuhay ka,, sundin ang linyang magdudulot ng pagbabago sa mundo.. hindi kailangan ng maraming hindi dedikadong doktor, inhinyero o abugado.. kailangan natin ang mga taong handang ilatag ang buhay nila sa pagmamahal sa buhay nilang pinili... sila ang magpapakita ng malakihang pagbabago... galingan mo pa ernest.. fly away! (ke fly away! [dragon ball z] chala head chala) heheheheheheheh
Post a Comment