04 May 2008
Analysis:
Ang Larawan: Dito sa larawang ito ay makikita natin ang isang matapang na Pacquiao, bilang endorser ng sikat na international brand na Nike. Nakabihis ng kanyang customary training get-up at nakapormang pang-boksing. naka disenyo ang larawan na tinutulad sa mga makalumang boxing poster (mga guhit na puti na dati rati'y marka ng pangit na printer ngayon ay disenyo na). Nakasulat sa baba ang mga salitang "Ang Mamatay ng Dahil Sa iyo" ang huling mga salita sa Pambansang Awit ng Pilipinas, at may logo pa na MP sa disenyong binase sa disenyo ng watawat ng Pilipinas.
Dito ay ninanais ipakita na si Pacman ay lumalaban, palaban, at lahat ng ginagawa n'ya ay para sa bayan. Ini-imply din na Nike ang ginagamit n'ya, syempre, sa kanyang mga training at sa laban. Pinapakita na si Pacquiao ay parang isang bayani, na handang mamatay sa laban para lang sa karangalan ng bayan.
Ang katotohanan ay hindi ganito, si Pacquiao, sa mahigpit na depinisyon ng pagiging bayani ay hindi bayani dahil ang dahilan n'ya sa pakikipaglaban ay ang sarili, pinili n'yang mag boksing hindi n'ya noon iniisip ang karangalan ng bayan, ang unang dahilan n'ya ay ang sariling pag-yaman, wala nang iba. Hindi rin matatawag na pagbubuwis ng buhay ang pag boboksing dahil isa itong palakasan na may malinaw na patakaran at hindi naman digmaan, Malabo din ang pag papalabas na ang poster na ito ay naglalayon ng pagpapataas ng morale ng Pinoy, dahil banyagang produkto ang Nike, kapitalistang banyaga lang ang yayaman sa pagtangkilik dito.
13 things said:
yeah, for one, Nike is just using Manny Pacquiao's fame for more sales....nothing more nothing less.
at hindi ko malilimutan ang sinabi ni Pacquiao nung natalo siya sa eleksyon: "SIMULA NGAYON, LAHAT NG LABAN KO PARA SA AKIN AT SA PAMILYO KO NA LANG IAALAY..." grabe...*shock*
haha.si flash elorde pa din ang pinakamagaling para sakin.;p
sa akin, fan ako ngayon ni Juan Manuel Marquez... galing nya, talino at disiplina talaga...
at gwapo siya. at may accent
dahilan mo na yan, hindi na akin yan.
hmmn.. tingin ko ang depinisyon sa pagiging bayani ni pacquiao e ang nadadala niyang pagkakaisa sa mga pilipino.. napapahalagahan ng mga pilipiino yung pagiging pilipino nila pag nakikita nilang magaling ang manok nila. meron silang dapat ipagmayabang sa ibang bansa, dahil magaling ang race nila..
nakakamatay ang pagboboksing,, @_@,, di ba? @_@.. sigruo pag sinasabi ni pacman na tinataya niya buhay niya,, sinasabi niya na delikado na sport ang boksing at di simpleng laro
-sa tingin ko sa mga utak ng mga pinoy na nadiktahan ng mga komersyo, nakakaangas nga ang dating,, lalo na kung sa ibang bansa yan. di naman natin ikakailang magaling talaga si pacquiao.. pero sa isang banda rin,, oo tama, nangmamanipula ang nike, ang masakit pa, para tayong ginigisa sa sarili nating mantika,, sarili nating kalahi yung ginagamit satin para lalo tayong mapasailalim sa gusto nila.
ayoko lang na kelangan pa na ibang bansa ang kumilala sa yo bago natin tawaging bayani, noon bang maganda ang record nya sa boksing noong di pa nya natatalo si Barrera naisip na nyang ginagwa nya ito para sa bayan? hindi natin alam! Pinapansin ba natin sya? hindi! kelangan pa kano ang makapansin bago maTV!!!
tinayata nya ang buhay nya para sa panalo, hindi para sa bayan, iba yun, sa bayan ba napupunta ang winnings nya? o pambili ng pacman chair? Nakakapagprovide ba sya ng trabaho sa mahihirap? nasasabihan ba nya yung mga politiko na pumupunta sa laban nya ng "PUTANG NA NYO WAG KAYO MANGURAKOT!"? ikaw na mismo nagsabi "sport" lang yun, at lahat ng precaution para hindi ka mamatay ginagawa!
hahahahahahahaha pacman chair wahahahahahahahahahahahah
sa konteksto ngayon,, tingin ko nakakatulong siya,, dahil kung makikipaglaro tayo sa laro ng komersyalisayon,,, may epek si pacquiao. at ang mahalaga naman dun e yung epek niya... totoong maraming butas, pero bihira ang nagagawa niyang epek.. na ayun,, nababawasan pagkakoloniyal yutak ng mga pilipino,, kung ang mata lang ng tao e kolonyal yutak,, isang paraan para maaccess ang paningin nila e sa kolonyal yutak way,,,,
tingin ko para din sa bayan,, though hindi totally,, kasi nahihiya naman siguro syang matalo dahil masyadong lumaki na tiwala ng mga tao sa knya
You could be right, but i doubt it...
Muahahahahahahaha!
?_?
okei na yung first line,, nawindang ako sa second line
hamo na!
ayoko lang yung pear shape,, lasang hilaw na gulay,, parang tangkay lang ng greeny leaves
paano mo tinitingnan ang kontexto ng diaspora ng pinoy sa paggamit kay pacman ng nike atbp kapitalista? score: 14 / 20.
Post a Comment