13 November 2008
Mahilig ako sa gabi, walang context, ako lang ba ang nakaisip ng context? Basta, gusto ko talaga ang gabi, yung dilim, yung bilog na bilog na buwan, tulad ngayon, yung madilim, yung mga ulap, yung mga poste ng ilaw, lalo na kung mahina yung ilaw, tapos yung lumang bumbilya na dilaw yung ilaw, ang galing, nakakaiyak sa ganda.
Madami akong ala-ala sa gabi, andun yung nagsesenti ako sa kwarto nung bata pa ako habang naghihintay na may dumaang witch sa ilaw ng buwan sa bintana namin, yung bintana na sliding, yung kahoy na may squares na mother-of-pearl. Galing.
Naalala ko nung hayskul, kapag tumetengga ako sa kwarto ko ng gabi, kahit pinapapak na ako ng lamok e iiwan ko pa rin bukas ang bintana para makita ko ang buwan at mahanginan ako ng hangin ng gabi. Masarap magsulat, kahit wala ako masyado nasusulat pag gabi, at puro tulang eng-eng ang gawa ko no'n. Masarap mag-isip, magplano ng future, ngayon kasi hanggang bukas na lang ang future na napaplano ko.
Naalala ko din nung nagsusulat ako ng tula nung hayskul sa sementeryo, malawak na damuhang sementeryo, gabi nun at undas, yun yata ang una kong sunken garden moment, basta, iba ang epekto n'ya sa akin.
Ngayon gusto ko talaga ang gabi sa UP, yung UP fair, yung mahaba na kulitan sa sunken pagkatapos ng Lantern Parade, yung mga tambay lang, nagkadalahang kwentuhan pagkatapos ng klase, uuwi na lubog na ang araw. Kung wala lang akong anxiety sa pagpapagabi ay ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo tuwing ginagabi ako sa UP.
Isama mo na yung usok ng sigarilyo, yung pagtengga na walang pakialam, yung happy-go-lucky ko na moda, yung pagkalimot sa madaming bagay at madaming maling desisyon na nagdala ng madami kong problema.
Andun na din yung paglalakad sa Univ Ave galing sa mga concert, masaya, nakakatuwa. Paborito ko pa rin yung sa Acad oval, mas maganda tignan yung mga jeep, kotse, at poste ng ilaw, pati na din yung mangilan-ngilan na bukas na ilaw sa mga bilding. Yung gabi, yung kwentuhan na naimpluwensyahan na ng gabi, parang droga, bangag ka na sa epekto ng lahat ng elemento. Lahat ng bagay gumaganda, kahit ano, o sino, na akala mo wala nang igaganda pa, pinagaganda ng gabi.
Kaya nakaka inlab yang gabi, mahilig ako sa gabi, siguro nga mahilig din ako 'pag' gabi. Ewan ko, basta masarap sa gabi, tara, gusto ko mag pagabi. Kung mamamatay ako, gusto ko sa gabi, sa malawak na lugar na kita ko ang madaming liwanag at dinig ko ang mga ingay, pero walang nakakakita sa akin, di ako nakikitang ngumiti para mag-paalam sa pinakamamahal kong kadiliman.
27 things said:
^___^// wala namang kacontextsan nung simula mo, e. nagbanggit ka pa kasi ng salitang context... = =
heniwey, agree ako dito! :D ang lupet nung gabi dati sa sangken, parng nanghihigop yung sangken tapos sobrang lawak ng langit na gabi, sobrang ganda,, iba piling..
oo, gusto ko ring pagabikanina sa sangken. lalo nat ang ganda ngayong seconds em, ang aga dumilim, ang lamig pa.
ang ganda ng mga poste ng ilaw na sunud sunod. tapos iba pa yung liwanag mga sasakyan,, yung pagpasok ng gabi, ang lupit din. lalo sa sangken. tapos andun ka sa ilalim ng puno. kukurtina yung mga dahon. parang blinds, ang ganda. blue, pink, violet, ang setting ng langit. tae. ang ganda.
tas pag gabi, tas, lumalamig, kumukonti tao.. kahit tumanga ka lang, di mo masasabing tumanga ka e. hindi empty, kahit wag na magsalita, kahit puro katahimikan, nakakabusog ang gabi sa up,, ..
agree din ako sa acad oval.. (parang yung video ni 633 na up pag gabi..) ang ganda.. gandaaa
sayang di pwede satin nagpapagabi,, hehehehehehe
yun yun e.
nakaisip ako ng context e
oo, kaya masarap mag kwento pag gabi, at gumawa ng kwento pag gabi.
hokeeeeeeeeei :)) mahilig ka sa gabi.
masarap panigang.
kasi walang maingay? @__@
hinde, kasi hindi ko nakakalimutan yung mga gabi ko sa UP
aaah pag tahimik, di mo nakakalimutan// //
ako rin gusto ko pag gabi..ang saya nga pag umuuwi ng gabi e (wag lang yung masyadong late kasi bawal).. hapon kasi uwian ko ngayon e.. minsan lang ako gabihin umuwi, pero sa tuwing madilim na ibang saya nararamdaman ko.. ewan ko ba.. parang may satisfaction sa simpleng pag-uwi ng wala ng araw, na madilim na, lalo pa kung may maliwanag at bilog na buwan.. sarap sa feeling.. hehe ewan.. sarap din tumingala sa langit habang naglalakad pauwi..
oo, masarap nga yun, tumingin sa langit habang naglalakad,,
masarap ding maglakad patalikod,, makita mo ang mundo na papalaki ng papalaki ang kabuuan na piksyur,,. :D:D:D
wahahahhaha natawa ako dito! XD
pagkabasa ko, na-imagine ko sarili ko naglalakad patalikod! haha parang rewind haha.. poga... hehe.. mukhang tanga hahahahha
hahahhahahaha oo, rewind,, hahahahah ang galing no,, ginagawa ko to dati e. nakita ko ni sir rivera,, sabi niya, "o! yung kaklase niyo, nababaliw na!"
hahahahaha, pero ginagawa ko pa rin paminsan minsa,, lolxxxxx
ginawa ko yan kanina. naalala nga kita e.. haha kalang ginawa ko mga 3 seconds lang hehehe
adik din yun si sir rivera e.. iba talaga pag bata
hahaha,, lagi mo nang gawin.. :>, kaso delikado, baka may mabunggo kang gangster kasi di mo nakikita dinadaanan mo... tapos bugbugin ka,,,.
matanda na si sir, lalo siguro ngayon, wahahahahahahaha (parang ikaw, matanda, wahahahahaha, de dyok lang.. hihihi, peace..)
masarap isipin na natapos ka at natapos na din ang araw, yung pauwi ka na at wala kang kailangan gawin at gabi na, panahon ng pahinga. Biologically yata tayo ay mga solar panel na may charge/discharge controller, pero baligtad yung charge/discharge, otomatik na kapag gabi na e gusto mo na mag charge.
oo nga no.. sarap magpahinga. kahit pagod basta pauwi na, ayos na sa pakiramdam
kul ang ironic na ideya..
lunar panel,,
pati pangalan kul din.. wala pa ata nakaiimbento niyan... lunar panel.. sarap naman pakinggan
gawin ko ngang kanta
LUUUUUUUUUNAAAAAAAARR *litid* PAAAAAAA*effort sa pagbuka ng bibig* NEEEEEEEEEEEELLL *parang NAAAAL ang sinasabi*
[sa gumagaralgal na boses at malaway na mikropono]
lolx :))=))
GRRRRRRRRRRRROOOOOOOOOWLLLLLLLL!!!
*kuha payong*
*shield*
pwede na kayo magtayo ng banda \m/
ang pangalan,,
salivand :))
@ernest: ba parang sullivaN! di lang pang pink freud!!! :))
salivand! hahahha pwede pwede.. lol
pede, pede... o kaya Riverlaway,
LOLX WahHahahahahahahahahahahahahaha
hayos yun a! :))
hahahahhahahha xD
ang galing niyo mag-isip ng pangalan ng banda!
Post a Comment