Kwaderno

08 June 2009

1

Sa pagtatangka na makabalik sa pagsusulat ay bumili ako ng bagong kwaderno, sinabayan ko na din ng bili ng bagong libro. Read to write, read to write, read to write. Binili ko ang libro ng mga tula ni Sir Romulo Baquiran Jr., yung Onyx, sa dalawang kadahilanan; una dahil wala akong pagkakataon na magbasa ng mahabang akda at maikli ngayon ang attention span ko. Ikalawa'y dahil naisip kong madali pa rin para sa akin ang prosa, ang hinahanap ko ngayon ay ang pagsasalita sa mga talinhaga, pagbuo ng imahe, pag-iisip ng labas sa isteryotipikal na larawan ng isang bagay, sa tula ko iyon napupulot. Swerte ko rin at andun sa bookstore ang libro ng pinakamagaling na makata sa Filipino na kilala ko.

 

2

Para akong nagsisimula ulit. Sinimulan kong basahin ulit bawat isa sa mga luma kong blog entry para bumalik ako sa estado na ang pagsusulat ay isang gantimpala at hindi isang trabaho. Gantimpala ang pagsusulat para sa pagkakaroon ng pagnanais magsulat..

Hindi ko na kilala ang mga luma kong akda, windang ako sa sarili kong kakayahang buoin ang mga istoryang walang konkretong problema, walang suliranin, walang tanong na malinaw na dapat sagutin. Ang mga karakter ko na hindi tinutulak ng mga pagsubok o hinihila tungo sa isang climax, ang mga simula kong puno ng paglalarawan sa laman ng isipan at sa laman ng isang seting na mabubuo lamang kung buo ko ring ibibigay. Ang mga karakter ko na nakikidaloy lang, na parang pinitas ko lang sa isang parte ng mundo at kinunan ng pikshur, ang mga kwento kong kwentong nadinig mo na din pero iba lang ang mga pangalan. Mahusay, magaling, nakakatuwa at ang laki ng potensyal ko bilang manunulat.

Matagal na din pala mula nuong muli akong madulas patungo sa bangin ng hindi pagsusulat. Banging na ang mga bato ay sing tatalim ng tingin ng holdaper sa brilyanteng kwintas, hindi ako makakalabas ng hindi ako maka-aalis ng hindi ako sugatan. Aalis ako sa bangin na ito, at ngayon nakakapit na ako sa ugat.

Maligayang Pagbabalik, Manunulat.

3 things said:

_Stine Olivar said...

Hawhawhaw, naysu.

Gusto ko yung Puno ata dyan sa Onyx.

Ernest Angeles said...

Gusto ko yung "Makiling Suite" at "Langaw"

_Stine Olivar said...

yung Daga! hahaha

 
ODIFMI Diaspora - by Templates para novo blogger